HELP!

Mga mamsh I need your wise advice. Birthday ko po bukas. Then bago umalis si Hubby kanina for work (night shift), nagbilin sya na pag may dumating na delivery, wag ko daw bubuksan, ilagay ko daw agad sa freezer. Then around 8pm may dumating na delivery from Caramia (cake sya obviously) pero hindi ko tinignan kasi yun yung bilin ni Hubby, kaso nung ilalagay ko na sya sa freezer, nabitawan ko yung box kasi karga ko si baby?. So napilitan akong buksan para i-check kung okay pa yung laman (di na talaga ako umaasang okay pa), so yun na nga hindi na sya mukhang cake and may parang birthday message sya na di ko na mabasa kasi sirang-sira na yung cake. Ano pong gagawin ko? Binalak kong umorder nalang ulit para di malaman di hubby yung nangyari sa cake kaso di ko alam kung ano yung message nya for me na nakasulat dun. Ayaw ko namang sirain yung surprise nya sakin kasi first time nyang gagawin to. Nagpa-panic na ko, mamayang 2am ang uwi ni Hubby. What to do???

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hahahaha , same tayu sis πŸ˜‚ kaso pangumaga at hapon sya bali 6 pm or 7 pm uwe nya , so un nga nabitawan ko rin ung cake na nadeliver , pagbukas ko di ko na rin mabasa message nya . ! Hehehe mga 6 pm -6:30 iniyakan ko nlng πŸ˜‚ wala na.syang nagawa di ko man nabasa ung message nya sa cake , pero sya na nagsabi sakin sa personal para lalo humagulgul sa iyak at panay sorry sa knya πŸ˜‚ tthen tinira nanamin ung cake πŸ˜‚ wala lng , dinaaan ko nlng sa iyak 😁😁 6 months preggy ako nun πŸ˜‚ ngayun 8 months preggy na . πŸ˜‚

Magbasa pa
5y ago

Ang cute ng dinaan sa iyak 😍 hahaha

VIP Member

Hehehe mommy relax. Buti ndi si baby nabagsak mo. At si cake ung nadurog. Maiintidihan ka ni hubby mo.. Atsaka if suprised tlga sana di nya pinadeliver n ikaw pa mismo mgrereceive.. Hehe but aleast alm mo pra sayo un.. Nkakatouch n din po un. Ikiss and hug mo nlng sya instead saying many sorrys iparmdm mo kung gano mo appreciate ung cake despite nangyri.. And maeenjoy nyo pa din si cake kahit durog n, caramia kaya yan.. Sarap pa.. Heheh btw Happy birthday po.

Magbasa pa

Ang funny and sweet ng story mo momsh hehe. Don't worry maiintindihan kanaman ni hubby mo for sure, sabihin mo nalang di mo alam bat nagka ganun baka kasalanan ng nagdeliver hahah tinuruan pa kit mag lie. Hehe! Pag open nyo ng box, both of you is nasurprised like "voila! a cake! with hindi maintindihan na letter" yay

Magbasa pa

Ikwento mo na lang yung nangyare mamsh. Hindi yun magagalit dahil una, birthday mo. Pangalawa, nangyare yun habang karga mo si baby. Kung mahal ka talaga nya, he will be happy to know na mas inalagaan mo si baby kaysa sa cake. Cake lang yun mamsh. Kayang bumili ulet pero si baby hindi mapapalitan. Happy birthday! 😘

Magbasa pa
5y ago

Yun na nga ipinagpapasalamat ko ehh, na atleast yunh cake ang nabitawan ko at hindi si baby. First birthday ko pa naman as a mom.

willing ka namang palitan, why dont u try to contact ung bakery, bigay mo ung name ng partner mo then ask kung na itabi pa nila ung message sa cake ur lucky kung naitabi pa nila. then sabihin mo mag order ka ng same cake with same message send to same address. try mo lang nmn

VIP Member

Happy birthday momshee!! πŸŽ‚πŸ’ Thank him profusely. Tell him honestly what happened and apologize sincerely. Treat him nicely for one whole year. πŸ˜‚ Maiintindihan ka nun momsh.. buti po hindi si baby ang nahulog.. πŸ™πŸ’•

Magbasa pa
VIP Member

Where's the receipt? Tawagan mo yung store. Or ganto momsh.. order another cake, this time ibang brand nmn tpos lagay mo, "Sorry husband, i dropped your surprise, but i did'nt drop our baby!blah blah etc.." ang sweet dba? Hahaha.

5y ago

Awww oo nga,ibang treat nlng.. like cake in coffee shops,kahit isang slice. Tusukan mo ng message. Or tom morning look for a cake shop palagay mo msg. Tell your husband not to open the cake that he ordered. Worse plan is mag attach ka ng message sa box para pag open mabasa nya hahaha.

Sabihin mo na lang sa kanya mamsh. Di mo naman sadya and accident yun while you are on mommy duties. Relax. Maiintindihan ni hubby mo yan. Simple thank you, honesty, and lambing lambing lang, keri na yan.

happiest birthday momsh!dapat your enjoying your day.tell him na lang what happened Im sure maiintindihan nya yun at thank him for the cake tpos sabay nyo na lang kaininπŸ˜„

VIP Member

I'm sure your husband will understand. Just tell him the truth and be grateful for his gift, his thoughtfulness and sweetness. 😊 HAPPY BIRTHDAY!!! πŸŽ‚πŸŽ‰πŸŽ