How do you heal a brokenheart of a pregnant woman?
Hello mommies! I know this is off topic pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi hindi ko na alam gagawin ko. ? I am 6 months pregnant. Nung first 2months, maayos kami ng daddy ni baby, and then bigla siyang nanlamig, yun pala may kinalolokohan na siyang babae sa office nila. Then he said na hindi niya anak tong anak namin at sa ex ko raw to na almost a year ko ng hindi nakikita. Iniwan niya kami ni baby on my 3rd month. I suffered. I got depressed. Hindi ako nakakapasok sa work kasi sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumating pa ako sa point na gusto ko ng ihinto si baby, pero No kasi sabi ko, si baby nlng ang meron ako. I tried to moveon, medyo nagawa ko. Then just last march 30th, bumalik siya, umpisa daw ulit kami. I gave another chance para kay baby, pero mas malala. Halos araw araw niyang pinaparamdam sakin na hindi na magwuworkout. He even said na hindi niya ako mahal. Siya ang bumalik samin na hindi ko naman hiningi pero siya din tong nakipaghiwalay ulit netong 27th ng april. Tapos just today, he posted a picture na may kasama na siyang ibang babae. Hindi ko na alam gagawin ko, mommies. Sobra na tong ginagawang pambabastos samin ng anak ko. Hindi ko na alam paano ulit babangon. And what's worst is kaibigan ko pa yung babae niya ngayon. Ayoko na.
I feel you mommy! 🙁 i want to share mine para at least mamotivate ka.. My first and 2nd trimester nag suffer din ako sa panlalamig ng bf ko 🙁 When he knew that i was pregnant lahat ng bago ung ugali, pakikisama pati na din yung lagi niyang paghatid sundo saken pag napasok ako sa office.. I suffer in depression for the past few months of my pregnancy pero thankful ako sa boss ko,workmate and friends na nag alalay sakin habang stress ako.. Minsan na pumasok sa utak ko ung ipa abort si baby kasi sinabihan ako ng partner ko na di sakanya to, sana namatay nlng ako, sana di niya nlng ako nakilala 😢 Sa sobrang tanga ko siguro inisip ko baka na pressure sya kasi sabay ng ojt nya tapos bigla akong nabuntis graduating na kasi siya.. Nag motivate sakin ung every check up ko also pag pinapa rinig sakin ni doc ung heartbeat ni baby.. Lahat yun inisip ko kaya ko naman buhayin si baby ng ako lang with my family.. Recently, si bf ung nagbago.. Di kami naghiwalay, pero di ko siya pinressure sa lahat ng nararamdaman ko.. Nag enjoy ako magisa buti nakisama si baby di ako naglilihi.. Si bf unti unting nagbabago nung nalaman nya ung gender ng baby namin.. Bigla siyang naging concern palagi.. Lagi nyang sinasabi si baby ganto ganyan, maybe na timing lng talaga sguro ung na pressure sya dahil sa ojt and nalaman na buntis ako.. Kasi pumasok na sa isip ko at alam naman siguro natin mga babae ung pakiramdam na nambababae na ung partner natin i even notice naman un.. But ako ung type ng person until walang evidence di ako naniniwala.. So far, wala pa kong nakikitang evidence.. But lets see 🙁 i hope mali lng to, and hoping to you mommy na maging happy ka for your baby even wala yung partner mo 😊 Mas mamahalin tayo ng sarili nating baby kesa sa partner natin na magbibigay lang ng sakit sa ulo and stress satin.. Kay baby kahit stress tyo makita lang natin silang happy and healthy nawawala na yan 😊 Share ko lng
Magbasa pahindi man po ako maka relate but i feel sorry for him.....sinayang nya yung baby nyo. balang araw pagsisisihan nya yang ginawa nya lalo pag nakita na nya lumalaki yung bata. sa ngaun ang mapapayo ko lng cguro is focus ka kay baby...look at the brighter side. kung ganyan sya sayo walang respeto hndi kayo magkakaunawaan kahit magkasama kayo hindi ka din magiging masaya..isipin mo nlng na ikaw lang lahat masusunod pagdating sa pagpapalaki ng baby mo. sympre aminin natin hndi naman lahat ng partner natin magkakasundo tayo sa way ng pagpapalaki sa bata at sa mga desisyon making. isipin mo nlng na ikaw lang masusunod wala kang kaaway. wag mo na isipin ung kailangan buo family ni baby. para sakin hndi na kailangan yun kung hndi naman kayo magkakasundo ng lalaki useless ang pagsasama kahit sabhin mo para sa bata...eh yuNg para sayo? diba? sa ngaun wag mo sila iunfriend or iblock sa fb para makita nila yung milestones ni baby para yung lalaki pagsisihan nya yung ginawa nya. yun yung gawin mo parusa sa kanya. pakita mo sa kanila kayang kaya mo na kahit niloko ka nila wala lang sayo dahil kailangan mo magpakatatag para sa baby mo. alam kong kayang kaya mo yan kase nakayanan mo nga alisin sa isip mo na ipalaglag si baby. bilog ang mundo dadating ang point na ikaw naman ang nasa taas. smile ka lang po. isipin mo si baby. think happy thoughts about kay baby para hndi maapektuhan. goodluck po
Magbasa paHi mommy.. Sorry to hear this kind of story.. Nalulungkot din ako kasi mahirap ang pagbubuntis tapos us women have to go through this kind of stress and problems pa.. Mommy, dont let him go back anymore. What you can do now is focus on your baby. Your child will bring you joy that your ex partner can never give. Iba ang saya na magkaron ng anak.. Alam nya kasi mahal mo pa sya eh. So be strong mommy. Show him na kaya mo ng wla sya. He's a burden to you. At ang ginagawa para gumaan ang buhay is binibitawan ang burden. But now let's be logical with the situation. Kasal ba kayo mommy? Kasi kung kasal kayo pwede ka magdemanda ng adultery.. Ska mommy much better sana kung makukuha ni baby ang last name ni daddy. Para sana may karapatan sya na masustentuhan ni daddy. Kung sakali hindi makuha medyo marami kasing process na pagdadaanan para lang mapatunayan na yun yung daddy nya at maubligahan sya magsustento.. But nevertheless, kahit anong mangyari, always choose your baby.. Never kang magsisisi sa baby mo.. You will be your baby's angel.. And you will always have each other.. 😊 You're a strong mom. Magdedeliver ka ng life sa mundo. Yun nga kakayanin mo, ito pa kaya. Partner lang yan. But you, you carry a life 😊
Magbasa paalam mo somehow naiintindihan kht hnd ganyan totally kaworst un experience ko with my hubby, bata p kc kmi nun, 20 ako, 22 nmn sya..so immature pa tlga..pinanagutan nya nman ako pero nun anjan n baby ngkalabuan kmi to the point nalaman ko sinabi ny sa best frend nya hindi anak un baby nmin..na sa ex ko daw yun at inako nya lang..sobra sakit...tpos nalink din sya sa girl officemate nya n halos araw2 kasabay nya pumasok at umuwi, my pic pa sila together..lagi mgkausap even about "marriage" kasi di pa kmi kasal nun..nun ngpakasal nmn kmi, sabi nya sa mga frends nya ako lng pumilit mgpakasal..sobra dami ko din stress nun at physical un away nmin..hanggang sa napagod n ko, pinabayaan ko sya at pinaramdan ko gano ako kaCold..dun sya natauhan nun all of a sudden he saw how I changed, na totally wala n pake sa knya at di sya hinahanap..he changed, we started again and now on our 12yr together expecting our second baby.. my advise is be strong for ur baby and for urself..wag mo hayaan sa knya lng umikot mundo mo n pag nawala sya eh wala kna din..pakita mo kaya mo khit ikaw lng...someday, pagsisihan nya dun yn..karma din aabutin nila..amd lastly, have faith with God.
Magbasa paHi Mommy. This time, choose yourself and your baby. Hindi mo kailangang maghirap at masaktan ng dahil sa ganyang lalaki. I know this is easier than done, pero naniniwala akong kayang kaya mo yang lampasan, kuha ka ng lakas kay baby. Mas kailangan ka niya ngayon, kailangan niyo yung isat isa. Eventually, makakamove on ka din, mawawala din yung sakit. Lakasan at tibayan mo pa yung loob mo. Isurrender mo lahat kay Lord. Trust His plans for you and for your baby. Tingin ka sa ibang perspective ng life, take it positively kahit alam kong sa ngayon, ang hirap talagang magisip ng tama at kung bakit nangyayari yan. Baka hindi talaga siya para sayo, masakit man ang naging way ni Lord para sabihin at iparating sayo na he’s not yet the one, i know and i believe, binigay niyang mga struggles na yan para mas maging strong kapa. Hindi para sa sarili mo kundi para din sa baby mo. Kayang kaya mo yan. Hindi mo kailangan magmadali para magheal. Take your time at samahan mo ng dasal. God bless you and your baby.
Magbasa paMay mangilan talagang mga lalaking gago when it comes to love. Parehas tayong nahihirapan ate yun lang magkaibang sitwasyon tayo. Well ate, wag mo na sya masyadonv isipin. Just focus on things na makabubuti sa inyo ng anak mo. Ate I recommend you to read bible verses, pagnilay nilayan mo, talk to God everyday. Wag mong hahayaan na lamonin ka ng kalungkotan. Isipin mo si Baby okay? Don't allow them to ruin your day. Masakit at nahihirapan ka ngayon pero darating yung araw na madali nalang lahat basta magtiwala ka kay God. Kung ayaw sayo nung lalaki, wag mong kulitin at habolin, mabubuhay kayo ni Baby kahit wala sya, tatagaan mo ang loob mo ate. Wag kang papatalo sa problema. Maiibsan lahat ng sakit at pahirap mo, papalitan yang maraming blessings bastat magpray ka lang okay. Wag kana malungkot. Hindi ka nagiisa ate. Madaming nagmamahal sayo. Wag mo silang gantihan, hayaan mo na at Diyos ang bahala sa kanila. Keep fighting ate! ❤
Magbasa pamay mga tao talagang selfish sobra sobra pa. yung pkrmdam na paglalaruan nila yung feelings mo. yes I experienced din yan. yung okay kana tpos bglang babalikan ka kaso ikaw kasi may baby. :( ganito na lang mag pray ka mamsh palagi araw araw spend time with your family,relatives, friends etc. pg bumalik pa ulit wg mo ng tnggapin. yet sorry for the word sya ung tumanggi sa blessings na bnigay sainyo ni god kaya ndi na yun makakaulit. mas sswertehin ka after lalo na kung nakayanan mo pa yan. kaya mo yan and I also pray for your fast recovery ndi man madali pero time will heal you. Mahalin mo na lang sarili mo and lalong lalo na si baby for sure naman may balik na magnda yan sainyo ng anak mo and yet yung tatay ipasa dyos mo na lang kasama nung babae nya. maaring narrnasan mo yan malay mo maranasan din yan nung babae nya mas malala pa kaya just pray na lang po. Kaya mo yan at dapat kayanin mo! 😇 in jesus name! ❤
Magbasa paHaaays 💔💔 i feel you girl. same with me. sa first baby namin. pinag hiwalay kami ng parents ko kase i was too young back then. well 19 na ko nun. nung una lumalaban sya. but then nag sawa then i just saw na nagkabalikan sila nung imapaktang yun sa ex nya na nang ggulo samin. i was depressed too. so much hatred, depressed and anxiety attacked. when i was 7 mons preggy sobrang na stress na ko muntik n ako malaglagan. imagine napaka.risky nun both samin ng baby ko. but then after all the commotion ee both survived. me and my baby. malaking impact ung emotional support ng family. and ikaw mismo makakatulong sa sarili mo. mag strive ka na maging better. isipin mo n lng para kay baby lahat. sa awa ng dyos natauhan ung ama ng anak ko. after 5 yrs sinuyo nya ko ulit. nagbalikan kmi at ngyon preggy n ko ulit. hehe i must say n kung kayi talaga. kayo. kmi nga 5 years e. it took us 5 yrs. ngyon ikakasal na kami hehe
Magbasa paSaan mo hinugot yung forgiveness mommy? Ang hirap for me ibigay yon sa kanya lalo na at bestfriend ko yung mas pinili niya kesa samin ni baby. 💔
Ramdam kita mamsh! ganyan na ganyan rin ang nangyari skin before. Iniwan kmi ng father ng baby ko nung 3 months pa lng syang nasa sinapupunan ko, I was so depressed. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga panahong un kasi itinakwil ako ng magulang ko tapos iniwan pa ako. Pero naisip ko lahat ng nangyayari may dahilan,and ang inisip ko ang baby ko. Hindi ako pwedeng maging mahina kasi ako na lng meron ang anak ko. Hanggang sa kinaya at kinakaya ko mag isa.:) 2 years old na ngaun ang baby ko and sa awa ng Diyos, nakakasurvive kmi. Nakaya ko mamsh! makakaya mo rin. Ang baby mo ang gawin mong strength at inspiration sa lahat. At ung lalaking nang iwan sayo, you dont deserve him!wala syang balls! and ang isipin mo hindi ikaw ang nawalan kundi sya! Kaya yan, LABAN! GIRL POWER MAMSH! and always pray. :) Sooner or later everything will be okay. muaaa!
Magbasa paSiraulo yan mommy. Pabago bago isip. Walang paninindigan. Nakaya mo magmove on nung una na ganyan condition mo, kakayanin mo ulit lalong malapit mo na mahawakan si baby. Kaya mo yan. Normal na magbreakdown ka, ilabas mo lahat. At siguraduhin mong after mo ulit magbreakdown, you'll stand strong for yourself and the baby. Alam kong mahirap pero kailangan mong kalabanin ung nararamdaman mo. Ilabas mo lahat. Mauubos din yan. Pero wag kang magdwell jan, dahil nararamdaman at naririnig ka ni baby, sabi dito sa app, nakakaramdam na sya ng emotions. So be careful with yours too. Everything will be okay, kausapin mo ung sarili mo at anak mo. Magiging maayos din kayo. Hintayin mo lang pagkapanganak mo, you'll forgrt about him. Just think of the child. Gawa ka ng diary. For you and the baby na parang kinakausap mo si baby. It helps. Stay strong mommy! ❤
Magbasa pa
Zion's Mum | CS Delivery | PCOS | EBF | IT Pro | Seafarer's Wife | TAP Contributor Since 2018