How do you heal a brokenheart of a pregnant woman?

Hello mommies! I know this is off topic pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi hindi ko na alam gagawin ko. ? I am 6 months pregnant. Nung first 2months, maayos kami ng daddy ni baby, and then bigla siyang nanlamig, yun pala may kinalolokohan na siyang babae sa office nila. Then he said na hindi niya anak tong anak namin at sa ex ko raw to na almost a year ko ng hindi nakikita. Iniwan niya kami ni baby on my 3rd month. I suffered. I got depressed. Hindi ako nakakapasok sa work kasi sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumating pa ako sa point na gusto ko ng ihinto si baby, pero No kasi sabi ko, si baby nlng ang meron ako. I tried to moveon, medyo nagawa ko. Then just last march 30th, bumalik siya, umpisa daw ulit kami. I gave another chance para kay baby, pero mas malala. Halos araw araw niyang pinaparamdam sakin na hindi na magwuworkout. He even said na hindi niya ako mahal. Siya ang bumalik samin na hindi ko naman hiningi pero siya din tong nakipaghiwalay ulit netong 27th ng april. Tapos just today, he posted a picture na may kasama na siyang ibang babae. Hindi ko na alam gagawin ko, mommies. Sobra na tong ginagawang pambabastos samin ng anak ko. Hindi ko na alam paano ulit babangon. And what's worst is kaibigan ko pa yung babae niya ngayon. Ayoko na.

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May mangilan talagang mga lalaking gago when it comes to love. Parehas tayong nahihirapan ate yun lang magkaibang sitwasyon tayo. Well ate, wag mo na sya masyadonv isipin. Just focus on things na makabubuti sa inyo ng anak mo. Ate I recommend you to read bible verses, pagnilay nilayan mo, talk to God everyday. Wag mong hahayaan na lamonin ka ng kalungkotan. Isipin mo si Baby okay? Don't allow them to ruin your day. Masakit at nahihirapan ka ngayon pero darating yung araw na madali nalang lahat basta magtiwala ka kay God. Kung ayaw sayo nung lalaki, wag mong kulitin at habolin, mabubuhay kayo ni Baby kahit wala sya, tatagaan mo ang loob mo ate. Wag kang papatalo sa problema. Maiibsan lahat ng sakit at pahirap mo, papalitan yang maraming blessings bastat magpray ka lang okay. Wag kana malungkot. Hindi ka nagiisa ate. Madaming nagmamahal sayo. Wag mo silang gantihan, hayaan mo na at Diyos ang bahala sa kanila. Keep fighting ate! ❤

Magbasa pa