How do you heal a brokenheart of a pregnant woman?

Hello mommies! I know this is off topic pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi hindi ko na alam gagawin ko. ? I am 6 months pregnant. Nung first 2months, maayos kami ng daddy ni baby, and then bigla siyang nanlamig, yun pala may kinalolokohan na siyang babae sa office nila. Then he said na hindi niya anak tong anak namin at sa ex ko raw to na almost a year ko ng hindi nakikita. Iniwan niya kami ni baby on my 3rd month. I suffered. I got depressed. Hindi ako nakakapasok sa work kasi sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumating pa ako sa point na gusto ko ng ihinto si baby, pero No kasi sabi ko, si baby nlng ang meron ako. I tried to moveon, medyo nagawa ko. Then just last march 30th, bumalik siya, umpisa daw ulit kami. I gave another chance para kay baby, pero mas malala. Halos araw araw niyang pinaparamdam sakin na hindi na magwuworkout. He even said na hindi niya ako mahal. Siya ang bumalik samin na hindi ko naman hiningi pero siya din tong nakipaghiwalay ulit netong 27th ng april. Tapos just today, he posted a picture na may kasama na siyang ibang babae. Hindi ko na alam gagawin ko, mommies. Sobra na tong ginagawang pambabastos samin ng anak ko. Hindi ko na alam paano ulit babangon. And what's worst is kaibigan ko pa yung babae niya ngayon. Ayoko na.

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Siraulo yan mommy. Pabago bago isip. Walang paninindigan. Nakaya mo magmove on nung una na ganyan condition mo, kakayanin mo ulit lalong malapit mo na mahawakan si baby. Kaya mo yan. Normal na magbreakdown ka, ilabas mo lahat. At siguraduhin mong after mo ulit magbreakdown, you'll stand strong for yourself and the baby. Alam kong mahirap pero kailangan mong kalabanin ung nararamdaman mo. Ilabas mo lahat. Mauubos din yan. Pero wag kang magdwell jan, dahil nararamdaman at naririnig ka ni baby, sabi dito sa app, nakakaramdam na sya ng emotions. So be careful with yours too. Everything will be okay, kausapin mo ung sarili mo at anak mo. Magiging maayos din kayo. Hintayin mo lang pagkapanganak mo, you'll forgrt about him. Just think of the child. Gawa ka ng diary. For you and the baby na parang kinakausap mo si baby. It helps. Stay strong mommy! ❤

Magbasa pa