How do you heal a brokenheart of a pregnant woman?

Hello mommies! I know this is off topic pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi hindi ko na alam gagawin ko. ? I am 6 months pregnant. Nung first 2months, maayos kami ng daddy ni baby, and then bigla siyang nanlamig, yun pala may kinalolokohan na siyang babae sa office nila. Then he said na hindi niya anak tong anak namin at sa ex ko raw to na almost a year ko ng hindi nakikita. Iniwan niya kami ni baby on my 3rd month. I suffered. I got depressed. Hindi ako nakakapasok sa work kasi sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumating pa ako sa point na gusto ko ng ihinto si baby, pero No kasi sabi ko, si baby nlng ang meron ako. I tried to moveon, medyo nagawa ko. Then just last march 30th, bumalik siya, umpisa daw ulit kami. I gave another chance para kay baby, pero mas malala. Halos araw araw niyang pinaparamdam sakin na hindi na magwuworkout. He even said na hindi niya ako mahal. Siya ang bumalik samin na hindi ko naman hiningi pero siya din tong nakipaghiwalay ulit netong 27th ng april. Tapos just today, he posted a picture na may kasama na siyang ibang babae. Hindi ko na alam gagawin ko, mommies. Sobra na tong ginagawang pambabastos samin ng anak ko. Hindi ko na alam paano ulit babangon. And what's worst is kaibigan ko pa yung babae niya ngayon. Ayoko na.

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy.. Sorry to hear this kind of story.. Nalulungkot din ako kasi mahirap ang pagbubuntis tapos us women have to go through this kind of stress and problems pa.. Mommy, dont let him go back anymore. What you can do now is focus on your baby. Your child will bring you joy that your ex partner can never give. Iba ang saya na magkaron ng anak.. Alam nya kasi mahal mo pa sya eh. So be strong mommy. Show him na kaya mo ng wla sya. He's a burden to you. At ang ginagawa para gumaan ang buhay is binibitawan ang burden. But now let's be logical with the situation. Kasal ba kayo mommy? Kasi kung kasal kayo pwede ka magdemanda ng adultery.. Ska mommy much better sana kung makukuha ni baby ang last name ni daddy. Para sana may karapatan sya na masustentuhan ni daddy. Kung sakali hindi makuha medyo marami kasing process na pagdadaanan para lang mapatunayan na yun yung daddy nya at maubligahan sya magsustento.. But nevertheless, kahit anong mangyari, always choose your baby.. Never kang magsisisi sa baby mo.. You will be your baby's angel.. And you will always have each other.. ๐Ÿ˜Š You're a strong mom. Magdedeliver ka ng life sa mundo. Yun nga kakayanin mo, ito pa kaya. Partner lang yan. But you, you carry a life ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
6y ago

Hindi naman about sa pera mommy. It's about responsibility. Para naman may panindigan sya kahit papaano hindi yung takbo lang. It's for the sake of your child.. But nevertheless, you already have a blessing. Take care of yourself and your baby mommy. Di man ngayon, pero kapag nakita mo na baby mo, matatanggal lahat ng lungkot mo ๐Ÿ˜Š