How do you heal a brokenheart of a pregnant woman?

Hello mommies! I know this is off topic pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi hindi ko na alam gagawin ko. ? I am 6 months pregnant. Nung first 2months, maayos kami ng daddy ni baby, and then bigla siyang nanlamig, yun pala may kinalolokohan na siyang babae sa office nila. Then he said na hindi niya anak tong anak namin at sa ex ko raw to na almost a year ko ng hindi nakikita. Iniwan niya kami ni baby on my 3rd month. I suffered. I got depressed. Hindi ako nakakapasok sa work kasi sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumating pa ako sa point na gusto ko ng ihinto si baby, pero No kasi sabi ko, si baby nlng ang meron ako. I tried to moveon, medyo nagawa ko. Then just last march 30th, bumalik siya, umpisa daw ulit kami. I gave another chance para kay baby, pero mas malala. Halos araw araw niyang pinaparamdam sakin na hindi na magwuworkout. He even said na hindi niya ako mahal. Siya ang bumalik samin na hindi ko naman hiningi pero siya din tong nakipaghiwalay ulit netong 27th ng april. Tapos just today, he posted a picture na may kasama na siyang ibang babae. Hindi ko na alam gagawin ko, mommies. Sobra na tong ginagawang pambabastos samin ng anak ko. Hindi ko na alam paano ulit babangon. And what's worst is kaibigan ko pa yung babae niya ngayon. Ayoko na.

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mommy. This time, choose yourself and your baby. Hindi mo kailangang maghirap at masaktan ng dahil sa ganyang lalaki. I know this is easier than done, pero naniniwala akong kayang kaya mo yang lampasan, kuha ka ng lakas kay baby. Mas kailangan ka niya ngayon, kailangan niyo yung isat isa. Eventually, makakamove on ka din, mawawala din yung sakit. Lakasan at tibayan mo pa yung loob mo. Isurrender mo lahat kay Lord. Trust His plans for you and for your baby. Tingin ka sa ibang perspective ng life, take it positively kahit alam kong sa ngayon, ang hirap talagang magisip ng tama at kung bakit nangyayari yan. Baka hindi talaga siya para sayo, masakit man ang naging way ni Lord para sabihin at iparating sayo na he’s not yet the one, i know and i believe, binigay niyang mga struggles na yan para mas maging strong kapa. Hindi para sa sarili mo kundi para din sa baby mo. Kayang kaya mo yan. Hindi mo kailangan magmadali para magheal. Take your time at samahan mo ng dasal. God bless you and your baby.

Magbasa pa