Tired mom

Mommies, hihinga lang po ako sa inyo. I need motivation. I have two kids po, 3 yrs old and a 7 month old. Ako lang po nagbabantay sa kanila since wala na ko parents and di rin maka asa sa in laws. Kami lang talaga ng kids sa bahay pag wala si hubby. Ngayon po, as my baby is growing, palagi na po sya iritable. Siguro, dahil sa ngipin nya. Tinitiis ko po sya kargahin kahit ano gawin ko, di ako maka cr pag need pa nya mag dede, di ako makalaba kasi pag gising sya, need talaga bantayan kasi baka ano isubo ng ate nya. Ngayon po, nagluluto ako ng chicken hamonado. Karga ko sya while nagluluto. Tinitiis ko yung sakit ng likod at antok ko kasi excited na ko kumain. Yung 3 tbsp na dapat SUGAR, ASIN ang nailagay ko. Nung tinikman ko, sobrang alat. Naiyak na talaga ako, mommies kasi gutom na gutom na ko, pagod at antok pa. Parang feeling ko wala akong silbi kasi wala akong pasensya na sa mga bata. Ang dali ko magalit kahit maliit na bagay. And this? Reward ko na lang sana sa buong maghapon na pagod, pumalpak pa luto ko. Wala din po pala ako kausap lagi kasi malalayo ang friends ko kaya wala ako masabihan ng sama ng loob ko sa sarili ko.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Virtual hug po mami. โค Kaya mo yan. ๐Ÿ˜Š Habang binabasa ko yung story mo, naaalala ko yung sarili ko sa'yo nung panahong naiwan sakin yung dalawa kong kapatid na bunso. Sobrang kulit din, elem ako nun kasama ko pa sa school kase gusto ko pumasok. Lahat kami umiiyak na kase sobrang gutom na pero ako nagluluto pa lang din gamit kahoy. Imbis na naglalaro lang ako dati maaga naging ina sa mga kapatid. Pero kahit puro alaga, saway, sigaw, na lang yung mga ginagawa ko nun, iniisip ko na lang na nakakaawa sila kase busy magulang namin nun kakatrabaho kesa walang magbantay sa kanila at ayun mga nasa highschool na sila ngayon at ako naman magiging mami nadin sa first baby ko na lalabas na ngayong month. ๐Ÿ˜Šโค Kaya mami kaya mo po yan. ๐Ÿ’ช Isipin mo na lang na kailangang kailangan ka ng mga anak mo ngayon, kaya dapat lalo ka pong nagpapakatatag para sa kanila. ๐Ÿ˜˜

Magbasa pa
5y ago

Thank you po, mommy. And Congrats! ๐Ÿ˜Š

Same situation ako lahat. Wala tumutulong. Hanggang sa dalhin ako sa er kagabi dahil nagmanhid katawan ko. Over fatigue. Buti hindi daw ako natumba. Kaya ngayon need ko muna umuwi samin para makapagpahinga. Kase naandito ako sa house ng parent ng asawa ko. Kaso ako lahat sa dalawang bata ultimo paglalaba at paghuhugas, hindi din ako natutulungan ng asawa ko. Nakakainis lang mag utos kase laging mamaya ng mamaya. Hindi na kinaya ng katawan ko. Sabi nga ng doctor hindi ako si wonder woman para hindi makaramdam ng pagod at laging umoo. 2yrs old and 2months naman yung bunso. Breastfeeding din kami. Araw araw nagdadasal ako na sana lagi ako gabayan at lagi bigyan ng malakas na katawan para sa mga anak ko. Kaso bumigay pa din ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”

Magbasa pa
5y ago

Dasal lang tayo lagi mommy Thea na bigyan tayo ng lakas ng katawan para sa anak natin. Ingatan mo din kalusugan mo. Kase pag tayo ang nagkasakit kawawa ang mga bata.

1st thing you have to do... enjoy your day with your babies and the rest will follow. Think positive lang mommy para magaan ang lahat ng gawain sa bahay, para di mo ma feel yung pagod kase habang iniisip mo na pagod ka na lalo ka mapapagod ma e stress kaya para kang hirap na hirap sa araw2 na ginagawa mo. 2nd, kausapin mo rin si hubby mo, mag open up ka sa kanya kung ano nararamdaman mo, ask ka kung pwede ka rin hingi ng time for yourself paminsan minsan. Minsan di tlga maiwasan na ma stress pero pag nakita na natin mga ngiti, tawa ng mga anak natin lahat ng pagod nawawala. Kayang kaya mo yan mommy. Kung gusto mo kausap andito lang kami. Chatmates pwde rin para may makausap ka pag mejo na e stress ka na tlga.

Magbasa pa

hugs mommy, be gentle on yourself. ako man nakakaranas din nyan. try to relax. lahat nagkakamali, lahat umiinit ang ulo lalong lalo na pag pagod ka. so i suggest, pilitin mo din na maalagaan sarili mo kahit sa maliit na paraan lang kasi naisip ko kung sagad sa pagod kana pano ka makakapag alaga? kaya deserve mo din ng care at isipin mo kayang kaya mo yan, na madali lang. madali sabihin pero mahirap gawin, ako nga isa lang inaalagaan ko pero windang na windang nako, ikaw pa kaya diba. kaya naiintindihan kita. breath mom, kaya mo yan kahit maliit na steps lang na maalagaan sarili mo, appreciate mo. you have a chance pa, kaya mo yan

Magbasa pa
VIP Member

Ay momsh, wag mong sukuan yang basic problem mo. Pag Nanay kna, basic nalang yan. Masasanay ka din at matututo kang maging happy sa ginagawa mo para sa mga anak mo. We know that it really sucks pero we're nanay already eeh. We need to do everything, kaya nga sinasbi lagi na, Iba magmahal ang nanay sa mga anak dahil sa sobrang sakripisyo natin maalagaan lang sila. Wag mo pabigatin problema mo.. look for a way.and besides, hndi nmn magtatagal yang ganyang sitwasyon mo,saglit lang yang pag ngingipin ng anak mo.Mas marami pang ibang mommy ang may matitinding problema so don't be so sad.

Magbasa pa

yan ang sakripisyo natin bilang ina. yan din talaga mararamdaman natin. pero alam mo sis hahahaha umabot anim anak ko kahit. ngayon malalaki na yong mga babae ko 20, 19, sumunod mga lalaki 10, 8, 5 at 4 months. isipin umabot ako ng ganyan. konting tiis lalaki din sila. minsan nga nag uusap kami ng hubby ko tindi ng napagdaanan natin. tayo tayo lang talaga. kaya alam ko kaya mo yan. have faith and trust in our grand creator. and dont think too much for your failure. just focus and relax. lalaki din sila.

Magbasa pa
5y ago

Hugs, mommy. Thank you po.

Try mo din momy hatiin or timingan mo ang mga oras ng pag sleep ng kids mo pag linis linis lang po pag laba laba lang pag luto luto lang po saka better po ata yung mga mabibilis muna na food lutoin mo pag kayo lang mg iina tapos mg general cleaning ka pag andyan si mr.para mahelp ka khit pano sakin kc my 3kids ako tapos kami din lang ok naman po sa araw araw na lilipas masaya naipaghahanda kupa si hubby at nakakapag ayos ayos pa khit pano sarili

Magbasa pa

Sa sitwasyon mo momshie nakaka iyak po talaga... Prayer Lang din po at kapag day off ni hubby mo ask mo din sya tulungan ka sa pag alaga para mka tulog k nmn ng khit isang straight na 5hrs Lang. Kaya mabilis uminit ang ulo mo iyon ay dala ng pagod at puyat sa Ayan pa ng sakit ng likod at balakang mo. And if possible din po na mka hanap kayo ng makaka tuwang mo sa bahay o pag alaga sa mga anak mo po. Keep on praying for strength and patience.

Magbasa pa

Same situation here mommy, 2yo at 1yo both baby boys... sobrang kukulit.... kaya enjoy ko muna play sa kanila, kanta kami nursery rhymes... pag napagod naman sila at nakatulog tsaka ako gagawa ng gawaing bahay... relax lang, ngayon lang yan. Napakabilis ng panahon, mamaya hindi mo namamalayan, hindi ka na nila kailangan sa ibang gawain... mamimiss mo rin ito... kaya enjoy habang bata pa sila... :-)

Magbasa pa

same situation d mkagalaw ng gawaing bhay.. i have 3 kids 8yrs old n boy, 3yrs old girl at 6mons bby boy.. mhirap pero kakayanin..un tipong wala k tlgang pahinga.. khit may sakit ka nid mp bumangon para asikasuhin cla. may sakit pa panganay ko.. tapos nilalagnat pa ko, breastfeeding pa ko.. pero thankGod binibgyan nya ko ng lakas.. pray lang

Magbasa pa
Related Articles