Patulugin ang toddler

Hi mommies. I have this kind of dilemma. Yung 15months old baby namin sobrang hirap kami patulugin. Both working parents kami so di talaga namin kaya magpuyat kaya ang gawa namin 10pm binibigay na namin sya sa mother in law ko para patulugin then ibabalik na lang samin pag tulog na although ok ang sleeping pattern nya pero talagang pag kami kasama nya ayaw nyang matulog kahit antok na sya. Naaawa lang ako kasi tuwing ibibigay namin maiiyak sya or hahanapin nya kami ng daddy nya. We tried naman na kami ang magpatulog but, nakikipaglaro lang sya (given naman since saglit nya lang kami makasama in a day) pero mapupuyat lang and di talaga sya matutulog. Ano kayang pwede namin gawin? Baka kasi masanay sya na ganun, na ibibigay namin sya sa iba bago matulog and iba ang kasama nya.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

working parents din kami. baby pa si LO ko, inadjust na namin ang sleeping pattern. kaya before mag1yo, normal na ang sleeping pattern nia. 2 naptimes nia sa daytime. 1 sa morning at 11am, after maligo (1-2hrs). another 1 sa afternoon at 2-3pm (1-3hrs). then dapat gising na sia by 5pm. kakain at 6pm. ang tulog nia sa gabi ay 10-11pm. ang gising nia ay 8am. minsan dahil sa paglalaro, 1 time ang naptime nia sa daytime kaya mas maaga sia nakakatulog sa gabi, mga 9pm. consistent ang pagpapatulog namin para hindi mabago ang sleeping pattern at complete ang total sleeping hours nia.

Magbasa pa