Tired mom

Mommies, hihinga lang po ako sa inyo. I need motivation. I have two kids po, 3 yrs old and a 7 month old. Ako lang po nagbabantay sa kanila since wala na ko parents and di rin maka asa sa in laws. Kami lang talaga ng kids sa bahay pag wala si hubby. Ngayon po, as my baby is growing, palagi na po sya iritable. Siguro, dahil sa ngipin nya. Tinitiis ko po sya kargahin kahit ano gawin ko, di ako maka cr pag need pa nya mag dede, di ako makalaba kasi pag gising sya, need talaga bantayan kasi baka ano isubo ng ate nya. Ngayon po, nagluluto ako ng chicken hamonado. Karga ko sya while nagluluto. Tinitiis ko yung sakit ng likod at antok ko kasi excited na ko kumain. Yung 3 tbsp na dapat SUGAR, ASIN ang nailagay ko. Nung tinikman ko, sobrang alat. Naiyak na talaga ako, mommies kasi gutom na gutom na ko, pagod at antok pa. Parang feeling ko wala akong silbi kasi wala akong pasensya na sa mga bata. Ang dali ko magalit kahit maliit na bagay. And this? Reward ko na lang sana sa buong maghapon na pagod, pumalpak pa luto ko. Wala din po pala ako kausap lagi kasi malalayo ang friends ko kaya wala ako masabihan ng sama ng loob ko sa sarili ko.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same situation ako lahat. Wala tumutulong. Hanggang sa dalhin ako sa er kagabi dahil nagmanhid katawan ko. Over fatigue. Buti hindi daw ako natumba. Kaya ngayon need ko muna umuwi samin para makapagpahinga. Kase naandito ako sa house ng parent ng asawa ko. Kaso ako lahat sa dalawang bata ultimo paglalaba at paghuhugas, hindi din ako natutulungan ng asawa ko. Nakakainis lang mag utos kase laging mamaya ng mamaya. Hindi na kinaya ng katawan ko. Sabi nga ng doctor hindi ako si wonder woman para hindi makaramdam ng pagod at laging umoo. 2yrs old and 2months naman yung bunso. Breastfeeding din kami. Araw araw nagdadasal ako na sana lagi ako gabayan at lagi bigyan ng malakas na katawan para sa mga anak ko. Kaso bumigay pa din πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

Magbasa pa
6y ago

Dasal lang tayo lagi mommy Thea na bigyan tayo ng lakas ng katawan para sa anak natin. Ingatan mo din kalusugan mo. Kase pag tayo ang nagkasakit kawawa ang mga bata.

Related Articles