Tired mom

Mommies, hihinga lang po ako sa inyo. I need motivation. I have two kids po, 3 yrs old and a 7 month old. Ako lang po nagbabantay sa kanila since wala na ko parents and di rin maka asa sa in laws. Kami lang talaga ng kids sa bahay pag wala si hubby. Ngayon po, as my baby is growing, palagi na po sya iritable. Siguro, dahil sa ngipin nya. Tinitiis ko po sya kargahin kahit ano gawin ko, di ako maka cr pag need pa nya mag dede, di ako makalaba kasi pag gising sya, need talaga bantayan kasi baka ano isubo ng ate nya. Ngayon po, nagluluto ako ng chicken hamonado. Karga ko sya while nagluluto. Tinitiis ko yung sakit ng likod at antok ko kasi excited na ko kumain. Yung 3 tbsp na dapat SUGAR, ASIN ang nailagay ko. Nung tinikman ko, sobrang alat. Naiyak na talaga ako, mommies kasi gutom na gutom na ko, pagod at antok pa. Parang feeling ko wala akong silbi kasi wala akong pasensya na sa mga bata. Ang dali ko magalit kahit maliit na bagay. And this? Reward ko na lang sana sa buong maghapon na pagod, pumalpak pa luto ko. Wala din po pala ako kausap lagi kasi malalayo ang friends ko kaya wala ako masabihan ng sama ng loob ko sa sarili ko.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Virtual hug po mami. ❀ Kaya mo yan. 😊 Habang binabasa ko yung story mo, naaalala ko yung sarili ko sa'yo nung panahong naiwan sakin yung dalawa kong kapatid na bunso. Sobrang kulit din, elem ako nun kasama ko pa sa school kase gusto ko pumasok. Lahat kami umiiyak na kase sobrang gutom na pero ako nagluluto pa lang din gamit kahoy. Imbis na naglalaro lang ako dati maaga naging ina sa mga kapatid. Pero kahit puro alaga, saway, sigaw, na lang yung mga ginagawa ko nun, iniisip ko na lang na nakakaawa sila kase busy magulang namin nun kakatrabaho kesa walang magbantay sa kanila at ayun mga nasa highschool na sila ngayon at ako naman magiging mami nadin sa first baby ko na lalabas na ngayong month. 😊❀ Kaya mami kaya mo po yan. πŸ’ͺ Isipin mo na lang na kailangang kailangan ka ng mga anak mo ngayon, kaya dapat lalo ka pong nagpapakatatag para sa kanila. 😘

Magbasa pa
6y ago

Thank you po, mommy. And Congrats! 😊

Related Articles