3 months na si baby pero sobrang iyakin at nangpupuyat sa madaling araw.

Hi mga mommies. worry ako kasi si baby sobrang iyakin as in mayat maya. Pagka sleep nya maya maya gising na agad tapos yung pag gising nya anlakas pa ng pag iyak and simula nung pinanganak ko sya lagi syang nagigising pag madaling araw minsan nga limang beses pa magising kaya sobrang pagod at puyat ako. Worry na rin ako sa health ko kasi wala akong pahinga dahil pag umiyak sya dede agad hahanapin nya Breastfreed kasi si baby o kaya naman pinadedede na iyak pa ng iyak pero di naman kinakabag pinainom na rin ng Restime for kabag pero iyak pa rin ng iyak. hays super stress talaga mga mommies minsan naiiyak na lang ako?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Si lo ko 1 mos plang sya straight na tulog nya sa gabi , nagmana ata sakin un kasi sabi ng mama ko nung baby daw ako hindi ko raw pinupuyat puro daw ako.dede at tulog lang . Hehehe wala na share ko . Hmmm try mo kaya sis na linisan sya bago matulog para namn maginhawa ung tulog nya . Saka nilalagyan ko ng vics si lo ko ung pang baby, dibdib at likod nya saka pulbo nilalagyan ko rin . Madalas pagtapos ko sya linisan daretso tulog na sya gigising nalng kapag dedede formula gamit ni lo ko 4 mos. And 8 d na sya . Try mo lang sis . Saka mazanilla sa tyan at ulo isabay mo na rin para di sya kabagin . Try mo lng sis malay mo humimbing tulog nya . ☺ lagi rin patay ilaw namin sa gabi kahit tanghali kapag matutulog kami . Para masanay sya sa dilim . Try mo rin sya pagurin para antukin sya laro laruin mo sya . Ganyan din ginagawa ko madalas sa lo ko .

Magbasa pa
VIP Member

Make sure hindi siya overstimulated sa umaga at nakakanap din siya. Ganyan age up to 90 minutes lang kaya nila na gising. Gawan mo din siya ng night time routine mommy. Si baby ko sa gabi ko pinapaliguan,around 6 pm. Tapos kung may energy pa siya magbabasa kami ng book saka ko siya ipapagnap. Magigising siya around 8-9 pm kasi yun ang dinner time namin. After nun papadedein ko lang siya at yun dirediretso na sleep niya. Kabag gumalaw siya ng konti bago pa tuluyan bumukas mata niya iooffer ko na yung dede ko. Pag bumukas na kasi mata niya, mas mahirap na siya patulugin uli at madalas iiyak na

Magbasa pa

baka growth spurt? but naranasan ko dn yn ky baby especially from newborn to 3months. niiyak dn aq sa sobrng pagod at stress 😂 pro simula ng 4months ngng okay na un tulog nya mga 8-9pm until 7am. simulan nyu na po isanay si baby sa day at night time and kpg sleep time na dim lights nlg po kau. dpt my routine kau kada gabe para masanay si baby. regarding sa iyak kn sa baby ko nggng iyakin sya kpg gutom, antok, bored or ayaw nya na sau 😂 8months na naun un baby ko and so far mas ok na sya naun sa sleeping pattern nya. and try playing white sounds too.

Magbasa pa

Aken mamsh 3months na today at nawala na pagkaiyakin at pag pupuyat nya di q lang lam qng kailan babalik😅😊nung 1st at second half month nya ganyan dn xa panay iyak mixfeed aq peo ms lamang ung Bfeed. Ftm aq and i learned sa mudracles q na pag ang baby hndi mo na mapatahan tipong nagwa mo na lahat check ng diaper padede or kabag tpos panay iyak padn nararamdaman nya na pagod kana sa kanya kaya qng my mpag papasahan ka kaht isang oras lang ipasa mo mhalga mkpg pahinga ka..ayun pinasa q sa mamu q tumahan😅totoo nga malaks pakiramdam nila😊😅

Magbasa pa

ganyan din c baby dati.. pero nung nag 3mos siya ang haba ng tulog nia.. momsh dapat my daily routine kau para alam nia yung araw sa gabi hanggang mkasanayan nia na.. kapag araw laro laro, exercise, tummy time.. tas before xa matulog warm sponge bath lang ginagawa ko para mrelax xa.. then busugin mu po momsh.. try mu din dim light para alam niang oras na ng tulog.. yun lang gngwa ko.. pinapatulog ko mga 8pm tas mga 7am na gising nia.. 😊 ginigising ko lang kpag madaling araw para padedehen kasi EBF kami sobra sakit.. minsan ayaw nia p dumede

Magbasa pa

Hehe same here 1 month and 13days plang 2nd baby ko pure BF rin ako wlang babaan tlga as in kpag ibaba ko sya iiyak na agad so walang choice kundi kargahin or idapa sa dibdib .. keri lng lahat ng sakripisyo kc nanay tau e .. ngayon lng yan mamsh sa susunod mag babago na yan .. at sa susunod kpag malake na yan gagawa na yan ng sarili nyang buhay at dadaanan daan nlng tau at mapapasabi sa sarili nting hays sana pla sinulit ko pagiging baby nila .. hehe (medyo may hugot ako kc ung 1st born ko 6yrs old na ayaw ng mag pakiss saakin kc big na dw sya)

Magbasa pa
VIP Member

Good job mommy na you’re breastfeeding! May tinatawag kasi na sleep regression din kapag nasa ganyang edad. May leap po na tinatawag kung saan may periods na nagdedevelop nang mas mabilis si baby kaya nagiging bugnutin. Ang signs po nun is ayaw magpababa, hindi mapakali, gising ng gising or ayaw matulog, tsaka naghahanap ng comfort parati. Normal lang po yan. Mawawala rin in a couple of days. Sana po wag kayo mag give up sa pag breastfeed kasi po maganda po yan sa development ni baby.

Magbasa pa
5y ago

Ganyan din ako sa first born ko pero di ako nag give up kaya wag karin gumive up momshie 😊

momsh bka mnsan hndi komportable pkrmdam nya. pg gnian baby ko pinapalitan ko ult damit, 3mos dn sya pro d nmn iyakin d dn nmmuyat. maari dn me mskit sknya. pg gniyan hnhmas ko buong ktwan ni baby palit diaper kng kinakailangan kht wla poop gang sa mafeel niyang at ease na sya . sa health nmn kada padede mo pg mlambot n breast nainom ako milk pra mapalitan nadede niya at pra na din di ako manguluntoy sa pagod at puyat.. kaya naten yan momsh😊

Magbasa pa

Almost same scenario. Sa araw ganyan si baby,kaka 3 months palang din nya. And napansin ko maikli na yung tulog nya sa araw. Minsan 10 to 15minutes nga lang e. And nakakarecognize na kasi si baby, kaya pag iniwan ko siya sa higaan iiyak agad kahit kukuha lang ako ng gamit nya or anything na malapit lang. Nakakapagod. Alaga baby, laba ng gamit ni baby,magpadede sa madaling araw na.antok na antok ka pa. MagvitaminC ka po. Para lumakas kayo.

Magbasa pa

Growth spurt po tawag dyan momshie..lilipas din po yan konting tiis lang at pasensya nag aadjust pa kasi sila sa outside world.na experience ko rin yan kay baby ko halos di na tutulog sinabayan pa na nag kasakit ako,kaya halos umiyak na lang ako sa pagod at stress.pero ngayon ok na ulit nakakatulog na ko kahit papano..pero nag co-call center pa rin sya sa gabi kaya side lying ang best position namen para pag na gising labas dede lang ako.

Magbasa pa