Umiiyak everytime gigising 3 months old baby

Baby ko po kasi simula mag 3 months sya pag gigising sya nag wawala po talaga sya as in po yung iyak nya parang may masakit na ewan. hindi naman po gutom kase ayaw dumede (EBF) , di rin puno diaper kasi pag pinapalitan ko every 4 hours, di ko sure kung kinakabag sya. Tumatahan lang sya pag kinakarga ko tapos lalakasan ko boses ko at hehele ko sya. Normal lang po ba yun ? FTM here totoo po bang pag babago ng ugali every month ? Yun po kase sabi sakin ng MIL ko baka daw sa pag babago ng ugali kaya ganyan sya this month #firstbaby #firsttimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

better consult sa pedia, sa case ng baby ko ganyan din sobrang lakas umiyak kahit busog and bagong palit ang diaper, hindi ma-soothe kahit anong gawin, yun pala dahil sa colic. nagprescribe si pedia ng probiotics para umayos daw ung flora sa tummy na possible cause ng kabag ni baby. after 3 days ng continuous take ni baby ng probiotics, umokay na sya, nawala na ung sobrang pagwawala nya.. hindi sya pwdeng ipagsawalang bahala kasi in pain si baby, namimilipit dahil sa sakit ng tiyan. nakakaawa.

Magbasa pa

normal lang.ganyan din baby ko minsan kaka3months lang last friday.. need lang nya ng comforting hug from you.