Problema sa asawa

Hi mommies help me naman, hindi kasi nakikinig asawa ko sakin tapos lagi pa syang nagagalit. Recently kasi nahuli ko na may babae sya umamin naman si girl pati yung asawa ko, binlock ko na sa fb si gurl, inunblock nya ulit tapos kanina 9:30 am out nya umuwi na sya ng hapon sabi nya nag-ot daw sya kaso sabi ng boss nya hindi daw sya nag-ot pagkaout nya daw ng 9:30 umalis na sya, pano ko kaya sya kokomprontahin bukas? Pinaglololoko nya na naman kami sabi nya di nya na uulitin yon 8 mos na kong buntis naiistress kami pareho ng anak ko pano ba gagawin ko ???

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo and takutin mo nadin pag tumanda siya baka kasi iniisip niya hindi mo kayang gawin o masyado kang mabait sa paningin niya

Wag ka matakot...komprontahin mo...kasuhan mo kung gusto mo...o kayabiwan mo na kasi paulit ulit ka lang niloloko.

VIP Member

Kausapin mo sis...tanungin mo kung ano ba talaga ang gusto nyang mangyari...kasi anak nyo ang mahihirapan nyan

Nakakainis yung ganung mga lalaki nakapag anak lang sa asawa mambabae na.... Bwisit yung mga ganung lalaki...

kunin mo pera o ATM nya. kung asawa ka may karapatan ka naman. hindi makapangbabae yan kung wala pera.

So sad. Yung kasal naman kayo at magkakababy na soon, tapos gumaganyan. 😒

Iwan mo na lang yang bulok ba lalakeng yan. Uulit at uulit lang yan

5y ago

Ang daming single moms na mas pinili po na buhayin mag isa nga anak nila kesa makisama sa mga lalakeng walang kwenta. Wag nyo na hayaan na kamulatan ng anak nyo na normal na lang ang magtaksil at pagtaksilan. Na ok lang magtiis kasi may pamilya. Can you still call it a home kahit magkakasama nga kayo pero yung padre de pamilya nyo hindi fully committed sa inyo?

Article 349 sis bigamy case para magtanda

Pray lang po always mommy 🙏😊

VIP Member

Kasuhan. ,vq