MASAMA ANG LOOB

Sobrang sama ng loob ko sa tatay ng magiging baby namen 😔 bakit parang hindi ko feel ung pagaaruga nya sakin, samantalang dati nung mag jowa palang kami nun sa trabaho maeffort sya pero ngaun nabuntis nya ko di ko man mafeel ung concern nya sakin binabalewala nya nako, hindi nya man lang kaya ipag malaki anak nya sa mga katrabaho namen noon. Kailangan mo pa sya sabihan o ipaaalala tungkol sa sustento bago sya magbigay. Bihira lang din sya mag punta sa bahay para bisitahin kami ni baby ko. Kung kailan malapit nako manganak nakakalungkot lang mukhang lalaki ung baby ko na walang ama. Sabi nya din sakin nun kung di man kami para sa isat isa wag ko daw ilayo anak namen. Wala man lang sya kusa na para mabuo kami as family pero parang malabo mangyare 😔😔😔 #36wks3days #1sttimemommy

MASAMA ANG LOOB
48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momshie hanggat maari iwasan mo maistress sarili mo ganyan din ako berofe 1st & 2nd trimester ko stress ako sa mga inlaws ko .. nararamdaman kasi ni baby mga hinanakit mo si baby sasalo lahat ng sama ng loob mo kahit mahirap pilitin mong kayanin libangin mo sarili mo sa mga masasayang bagay oo mahirap pero dapat kayanin mo at ipakita mo sa tatay ng baby mo na hindi mo siya kailangan sa buhay mo marami kasing mga lalaki ( hindi naman lahat ) porket sobra natin sila minahal/mahal feeling nila hindi na natin kaya na mawala sila sa buhay natin kaya ang siste ang taas na ng tingin nila sa sarili nila .. ako momsh since nung nabuntis ako hindi ako umasa sa tatay ng anak ko lahat ako nag provide para sa sarili ko malapit na due date ko tuloy pa rin pasok ko 2 week before EDD ko saka lng ako nag file ng leave kasi ayaw ko umasa hanggat maari dahil alam ko naman wala akong aasahan din and thank God nakaraos naman ako sa lahat ... and still strong para sa anak ko .. kaya kaya mo yan momsh lakasan mo lng loob mo 😊

Magbasa pa

We got this mummy! ♥️ I know its very hard for us to experience yung mga ganyang stage ng buhay natin na we all didn’t expect it. Specially now sa stage natin na we’re pregnant. But please please always always think of the good side of it. Si baby isipin natin. Thou yes mahirap kung iispin pero Kung ganyan partner natin let them be..hindi sila kawalan much better na yung nakilala mo sya ng mas maaga kesa its too late makatakas sa ganyan sitwasyon. Be thankful pdin kasi ni remove ni God yung hindi makakahelp satin na tao and will drown us sa mali na tao. In the other hand meron tayong babyng mgpapasaya satin. Were truly blessed sis! Compare to them. Yes we are!! We truly are. So dont be sad. 🤗Cheer up girl! Been there, and still lumalaban parin everyday for my baby. ♥️ You and ur baby will be fine, sis. We will be fine. Just always pray ♥️🙏🏻🤗👶🏻🤰🏻

Magbasa pa

i feel you po.ganyan na ganyan din lip ko.nung wala pa kami anak laging nakikipag vcall.nagchachat.ngayon kung dmo pa kakamustahin d manlang mag mmsg.laging online partida yan.minsan mahirap nadin isipin kung saan ba lulugar.nakakawalang gana nadin yung ikaw nalang lagi ang mangungunang kamustahin sya.yung pakiramdamdam na parang nanlilimos ng oras at panahon nya.akala ko nuon magbabago pag nagkaanak kami.pero lumala pala.natatakot tuloy ako baka pag labas ni baby iwanan nya lang kami basta or itago nya din si baby kagaya ng mga ginagawa nya sakin.d sinasama pag may lakad sila ng pamilya nya.aalis ng bahay kung kelan nya gustuhin.uuwi kung kelan nya lang din gusto.mag ooff ng cp or d manlang magsasabi kung asan syang lupalop.nakakaiyak nalang lagi na nakakapagod.pero para kay baby lalaban.🙏🙏🙏33 weeks na po akong buntis ngayon.

Magbasa pa
VIP Member

i feel you po kasama ko naman po partner ko ngayon kaso nawili masyado sa sugal imbes na magpacheckup sya at magpafit to work para makapagtrabaho ulit at makaipon kami sa gastusin ng baby namin, di sya gumagawa ng paraan, ok naman sya namamasada ng tricycle and yung pera lang naman na naiuuwi nya di ako umaasa na malaki ang mali lang lahat yun isinusugal halos lahat ng gastusin at kakainin namin dito sagot ng mother ko which is nakakahiya di kami pinapabayad ng share sa upa tubig kuryente para makaipon daw kami sa panganganak ko pero wala pa din ultimo vitamins ko mother ko nagbibigay factory worker lang naman mother ko nahihiya na talaga ako pero alam ko may chance pa magbago partner ko 26 palang naman sya at siguro paglabas ni baby dun na sya magbabago

Magbasa pa

same case tayo momsh😔😭ang issue lang saken pinupush nya ko namanganak sa kanila sa pampanga pero sabi ko gusto ko dto samen hnd sya napayag 😔nasa ibang bansa sya .tapos sinabihan nya ko na mag isip dw ako bbgyan nya dw ako ng isang linggo para mag isip 😥 diko alam kung mhal nya tlga ako .tapos sabi pa nya kung ipipilit ko ang gusto ko maghiwaly na lng kame 😭😭😭 diko alam bat ako pinapahirapan😔 wala nmn po sigurong mali na ipilit ko yung saken habang wala sya dto sa tabi ko😥😭😭😭 hirap na hirap na ko 😔kung tlagang mahal ko dw sya papayaga dw ako sa gusto ng pamilya nya😥😥 dpat saken sya napanig 😥😥dapt kung san ako komportable umanak dpat agree sya😥😥 kaso wala eh 😭😭 diko na po alam gagawin ko😥

Magbasa pa
4y ago

kaya niyo po. surrender everything to God.

Mameee di lang ikaw ganyan buti nga kayo nag susuntento sa akin kasi kung kylan pang tatlo na nakipag hiwalay na sya at ito ako parang tanga na kung san san nakitira nakuha kuna nga mag suicide dahil sobrang hirap pang pacheck up wala syang maabot hanggang ngayon 33weeks na ako wala kahit pisong duling buti pa nga kayo may mga tita kayung nakaalalay samantalang ako ito nag iisa di parin alam kung san manganganak di parin alam kung saan kukuha ng gamit si baby girl.. bsta laban lang makakaraos din tayo at papa diyos nalang lahat at patawarin ang mga lalaki ganyan..

Magbasa pa
4y ago

cheer up🥺🥺

Hi same experience tayo, ako lagi nag iinitiate sa kung ano dapat nya gawin kahit na minsan nakakapagod na pero ayokong maging selfish kaya titiisin ko nlng hanggat sa manganak ako. Narealize ko na kahit minsan di na sha nag eeffort kagaya noon hahayaan ko nalang as long as nagbibigay sha pangsustento para sa pagbubuntis ko, para kay baby naman din to. Hayaan mo nalang mommie, pagnakaraos na tayo dapat independent tayo sa needs natin kasi tayo lang maaasahan ni baby 😊 cheer up nalang and pray for a healthy pregnancy, healthy baby and healthy mommy.

Magbasa pa
4y ago

sa totoo lang okay lang din naman tama naman tita mo, may pride din naman tayo kaya choice mo na din kung wag mo na lang shang kulitin pa. Ako kasi mahirap humingi tulong sa mga tita ko kasi nga dismayado parin sila lahat sakin. Tiis tiis lang ako dito kakahingi ng kailangan para ni baby, kahit wala na para sakin, ang hirap kaya mag crave crave tapos wala, hindi kasali sa budget yung cravings eh, wala din naman akong mapaghihingian na iba aside sa partner ko ngayon. Bawi nalang tayo soon.

congrats for having a baby mommy!! you don't deserve a man that is iresponsible!! who cares kung walang kilalaning daddy si baby ang importante mahal mo at kaya mong panindigan ang baby mo, kesa naman sa may daddy nga ang baby mo hindi naman siya kayang buhayin or panindigan manlang useless lang din. Sa panahin ngayon mommy kailangan maging matatag at matapang ka at piliing huwag umasa sa napaka iresponsableng ama ng baby mo. ipakita mo sa knya na kaya mong itaguyod ang magiging anak nyo! Girl Power!!

Magbasa pa
VIP Member

Virtual hug mamshie❤️ grabe😔😔😔 hirap talaga nyan lalo na ganyan situation and malapit kana manganak. Hanga ako talaga sa mga mommies na ganito ung kahit may problem sa partner nila nakakaya nila ung pag bubuntis nila!👏🏻👏🏻👏🏻 iba ung galang sa mga ganito.❤️🤩 pray for you mamshie na bigyan ka ng peace of mind and safety delivery🙏🏻😇🤰🏻 AJA! kaya mo yan mamshie💪🏻 hindi yan bibigay ni Lord kung di mo kaya🙂

Magbasa pa

awww i feel you same situation minsan lng din mag punta sakin ama ng magiging anak ko ramdam kita jan majority ng need ko ako na nag provide sa sarili ko isip ko ok lng di ko sya kailangan kung ayaw nya di wag 😆pero di ko pababayaan baby ko ag inintindi ko lang masasaktan lng ako e katrabaho ko din ang ama ng baby ko ... pakatatag ka lng sissy para kay baby wag mo na syang isipin ang importante yung baby nyo kakayanin naten to ❤ strong tayo

Magbasa pa