DIAPER

MOMMIES! Anong brand po ng diaper ang mga baby niyo? And anong diaper po ang makakamura ka? THANKS!

211 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tried huggies and pampers. Pero mukhang dito na ko sa pampers magstick. Mas manipis si pampers kaysa sa huggies pero mas malapad/malaki siya. Kaya di naglileak yung wiwi and poops ni lo. Sa huggies kasi kapag nakatagilid si lo (side lying position kasi kami magbreastfeed) naawas yung ihi niya (minsan pati poops). Namula rin yung pwet ni lo sa huggies. Sa pampers, so far wala pa kong naeencounter na leakage and pamumula (1 week ko pa lang nagagamit). Sa shopee and lazada ko nabili, 2 packs for the price of one. Huggies nung 11.11 sale, pampers nung 12.12.

Magbasa pa

Maraming tips mga mommies sa youtube. At first try mo muna si baby ng murang brand ng diaper, kapag nahiyang ay maganda si hindi sensitive si baby. Pero kung hindi naman siya mahiyang sa murang brand, level up ka ng kaunti sa murang brand. Kasi ganun daw talaga depende sa skin ni baby kung san siya mahihiyang 😊. Kaya ako murang brand palang din naka stock sakin na sana mahiyangan niya para tipid hehe

Magbasa pa

playful na brand. sa plengke meron nun. at dpende rin sa skin.ng baby kc sa nung 1 month plang baby ko.eq and pampers lang gmt ko kc pag other brand nagkakarushes pro nung 6 months na sia tinry kung ung ibang brand which is playful ayun umokey nman sia until now, hes 3 yrs old na.so it dpends sa skin ng baby mo.

Magbasa pa

Day time: Sweetbaby Night time: Huggies (Mas nakasave ako. Huggies sa gabi kasi kaya na hanggang umaga kahit d q na palitan sa madaling araw. Sweet baby naman during daytime.. kasi yung baby ko nagpo poop every morning at hapon so kahit magpalit ng more than 2 times during daytime.. mura yung diaper..)

Magbasa pa
VIP Member

EQ, economical talaga yet quality pa din. Pero Pampers dry na binili ko. Wait for online sale in Lazada or Shoppee.. Tapos bili ka ng bulk, last July nagka-sale, pumatak na 4pesos per diaper lang small pampers dry na nakuha ko. 😊 Mas naging mura pa kesa eq. 👍🏻

VIP Member

depende po kung saan hiyang baby mo sis.. baby ko kasi pampers siya ever since.. when ngtry ako change, nagkarashes siya.. so balik na kami pampers ulit.. almost same lng price ng diapers sis.. minimal masyado ang difference like nasa P1 to P2 per piece lang..

here's a legit way para magkapera. Just complete the missions. May 500 pesos LAZADA gift card pa para makapag shopping ka Kay lazada. may chance ka pa manalo Ng 50k and more for your babies. sign up hee: https://www.woopworld.ph/l-gvuhbwze?inviter=252013&lang=

Mommy, yung pampers na premium care maganda. Mukha lang syang mahal pero sobrang okay nya. Hindi sya mabilis mapuno unlike yung normal na pampers. Para sa akin mas tipid yun kesa bibili ka ng maramihan tas maya't maya ka naman nagpapalit. 😊

Naka-try ako Mamypoko and Huggies. Huggies kami ngayon. Nagtry ako nung "Happy", hindi siya okay, parang plastic, medyo nagbanta yung rashes sa baby ko kaya inistop ko agad. Sabi ng Hipag ko yung EQ daw and Lampein, okay "daw", mas mura-mura.

For me pampers, kase tsaka mo lang sya papalitan once na may poop na or changing time na tsaka less lawlaw sya kahit overnight na yung diaper ni baby kahit sa umaga pag naglalaro sya gapang upo di basta basta lumalawlaw sulit! Hahahah