Normal or CS?

Mommies, ano balak niyo sa panganganak? Normal or CS? Painless or not? Why? #firsttimemom

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako non normal talaga nasa isip ko di ko inisip na ma-cs hehe todo alaga pako sa tyan ko kung ano ano pinapahid ko kasi gusto ko makapag 2pc padin ako pag nanganak nako hahahaha!!! Kaso na emergency cs ako… Mismong due date ko hindi pa pumuputok water ko.. Kinabukasan pumutok water ko tapos brownish lumalabas sakin sabi ng OB nag poop na daw si baby sa loob so ni- ie ako sarado pa cervix ko need na daw ako hiwain kasi malalason si baby…. Sobrang parang binagsakan ako ng langit at lupa non kasi inisip ko magkaka sugat ako sa tyan hahahaha pero ok naman naka bikini cut ako now….. Hays inggit ako sa mga nakapag normal… Dalawa na baby ko now… CS din ako sa 2nd… 3yrs pagitan nila hehehe sabay sila ng bday 😂

Magbasa pa
2y ago

yung second mo mie choice mo na pong cs or emergency ulit?

mommy kahit ang mindset po ay Normal Delivery kung talagang macCS hindi po pwede ipilit ang gusto .. importante naman dito e safe kayo both ni baby... kaya habang di mo pa kabwanan Pag ipunan mo na ang posibilidad na baka ma CS ka.. mas ok na yung may ipon kaysa Sagaran... at pray lang po palagi... btw nakapanganak na ko CS ako sa panganay ko noon emergency CS kasi naglabor pa ko Pero hindi bumaba si baby... etong 2nd born ko naman kahit gusto ko ma Normal Delivery breech presentation naman siya kaya Yun na CS din.. Godbless

Magbasa pa

di naman po natin ma predict kng normal or cs sa panganganak... like me,gsto q normal pero waley napunta sa cs. dahil sa mga di inaasahan pangyyri... kaysa aman buhay ang mawala ng isa sainio tlaga mag cs ka para maging ok pareho... kht gsthn mo makamura kng normal kso d mo mggwa at mssbi dahil sa mga d inaasahan pangyyri

Magbasa pa

Currently at my 30weeks at complete breech pa si baby, pinag reready na ako ni ob na baka ma cs daw, pero sabi wait parin kami until mag 34weeks kung iikot pa. Nanghihinayang din sila na hindi ako i normal kase normal at okay lahat ng laboratories ko, yung presentation lang talaga ni baby ang nagiging problem namin ngayon

Magbasa pa

Sa birth plan ko po, normal sana if God’s will. Pinag-iisipan pa po if keri and possible ba yung walang anesthesia kasi first pregnancy ko po. Pero gentle birth po kasi prefer namin ni hubby 🥰❤️ Pero kung ano man will ni Lord, basta ang mahalaga ay dun po sa safe si baby at ako.

Lagi bilin sakin ng OB ko kung pwede naman i normal i normal delivery daw. Currently at my 38 weeks from cephalic to transverse lie to frank breech si baby naka schedule ako CS next week gustong gusto ko mag normal delivery pero si baby ayaw. CS man o normal delivery ang mahalaga safe kayo pareho ni baby.

Magbasa pa

kung ano po ang nararapat pero kung ako po tatanungin mas maganda po normal... s panganay ko po normal ako sana dto kay 2nd baby normal din😊😊😊 gusto ko po kasi yung nakasanayan ng panganganak ☺️☺️ ying mafefeel mo po agd yung pagod pag labas no baby with a tears of joy ☺️☺️

VIP Member

Haha, skin expect ko pag labor ko mga ilang oras kala ko lalabas na c baby.. kaso umabot pa ako ng 3days sa paglalabor ng anak ko at 3days din ako walang tulog kci sa sobrng sakit. Pero normal delivery parin po ako.. kaya ndi po tlga natin yan masabi mommy.. pray lang po makakaraos lang din nmn

Sakin po, akala ko talaga CS ako kasi may Premature Ventricular Contraction ako. Ang ending eninduce ako one week before my due date. Ayun, normal kong nailabas. Depended din kasi sa pain tolerance natin mga mie sa paglilabor.

VIP Member

sa 1st baby ko dapat normal delivery, kaso sa hindi inaasahan pangyayari natuyuan ako ng panubigan kaya na emergency CS ako, 2 yrs old na sya ngayon, tapos CS ulit ako dito sa 2nd baby ko sa April 10 sched ko 😊