third party

Mga sis kung nahuli nyo na nambababae ang asawa nyo, ano gagawin nyo sa mister nyo at dun sa kabit nya? ?

104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Haha. Dati nung boyfriend ko pa yung asawa ko tapos nag cheat sya like engaged na kami non ah. nahuli ko kasi may other facebook account eh don ko din nakita na nag kikita pala sila sa ibang lugar nung babae. Tlgang binugbog ko sya ng todo2 . Like lahat ng gamit na mahahawakan ko hinahampas ko sa kanya nag dilim.paningin ko eh . tapoa chinat ko.din yung babae lahat ng santo sa impyerno.sinabi ko na saknya gamit other account ng asawa ko . Yung asawa ko luhod ng luhod2 pinakita ko tlga sa knya kung anong mangyayari sa knya kapag nambabae sya . Ayon takot na.mag cheat sakin πŸ˜‚ pero anyways sis. napatawad ko naman na ang babae. Ang bilis kong naguilty. Share ko lang to ha. di ko naman sinabing gayahin.mo.pero go hahaha. Di bitaw oy. pag usapam niyo muna ni hubby pag di tlga nagbago hiwalayan mo oy. z

Magbasa pa

Kausapin mo yung asawa mo. Hanggat maaari kung kaya pang maayos at matuwid pa yung pagkakamali gawin at bigyan pa ng chance, lalo kung meron kayong mga anak na pwedeng maapektuhan sa paghihiwalay niyo. Sila unang una niyong isaalang alang. Hindi naman agad hiwalayan yung sagot lalo kung first time mangyari. (Pero kung ulit ulit na ginagawa, ligwak na momsh. Wag martir! Di na uso yun!) Sa kabit, wala kang gagawin sakanya. Wag na wag pagaaksayan ng oras. Asawa mo ikaw magfocus at siya gerahin mo. Kung ikaw naman legal na asawa, maging disente kapa din. Wag papatol sa mga desperadang kabit! Pagdasal mong makahanap sila ng single at wag ng ulit makasira ng ibang pamilya.

Magbasa pa

Haha noon nung di pa nangyari sabr ko baka wala ng chance, di ko aawayin yung girl tsaka duh pakialam ko sa kanila eh di bahala sila magsama sila. Pero nung nangyari na nagcheat talaga tang ina hayop di mo na ma kontrol yung emosyon mo 😁tama sila di mo talaga malalaman pag nasa sitwasyon kana. Sarap pumatay as in 😁 kahit gaano ka pa labait lalabas talaga ang pagka demonyo mo. Yung babae ay naku kulang pa yung mga sinabe ko sa kanya ,imagine ok lang daw sa kanya maybasawa at anak kami basta priority lang siya. Hello nga pala sa babaeng yun.. nagtatrabaho sa club ng malate , upstage gold alex ang name πŸ™„ may mga anak na din. Walang respeto sa mga anak

Magbasa pa

Hello, last month I caught my husband with a mistress. I caught them thru laptop. And what's worse is I just gave birth that time. I found out that they've both been cheating on me even before I got pregnant. The girl is also married and she is fully aware of me and our child. Long story short, I wanted to leave him. But then I thought of my daughter. So I have him another chance. I guess it's all about unlimited patience and unconditional love. And choosing the blind eye. Sorry ah, sobrang tanga ko oo and ang toxic na ng relasyon namin. But habang wala pang isip anak ko itatry at itatry ko talaga para mag work out kami as a famiy

Magbasa pa

Hindi pa to nangyayari sakin pero knowing myself, hindi ko sila aawayin. In fact ni hindi ko sila kakausapin lalo na asawa ko. Basta pag-uwi nya nasa labas na lahat-lahat ng gamit nya. Hindi na rin nya makikita anak nya. Ganun kasimple. Hindi ako para bumaba sa level nila. Sinabihan ko na sya umpisa pa lang deal breaker sakin yan. So isang pagkakamali lang then wala na. Bakit? Kasi nagawa nya ng isang beses for sure magagawa uli nya. Also how can I be so sure na once pa lang nya nagawa yan? So there. Goodbye agad PS: Sakin nakapangalan ang bahay namin. Kaya pag nagloko sya akin ang bahay sya pa rin dapat magbayad πŸ™„

Magbasa pa
4y ago

Agree and will also do

Opinion ko. Just be calm wag tayong sugod ng sugod instead tahimik lng tayo if nahuli muh cya dapat kuhanan muh malakas ebidensya at pag alam mong sapat na ang evidence muh confront muh clang dalawa at kausapin ng mahinahon if 1st time ginawa ni husband at humingi cya tawad at ganun din c girl at na ngako c husband d na uulitin bigyan natin chance para sa mga anak nyo. Pero kong cla pa matapang e aba naman kalma ka pa din instead diretso ka sa kina uukulan gawin ang tama at ipakulong sweet revenge hehehe niloko kman atleast d ka nag step down sa uri nila taas padin digninad muh wag kng mag iskandalo.

Magbasa pa

Ako? Well, di naman ako palakibong tao kahit ano pang pagkakamali yan pero ramdam na ramdam monsa awra ko ang pagkakamali mo lalong hindi ako magmamakaawa na iwan niya ang kabit niya for what? Lahat yan di naman pagkakamali e choice lagi yan CHOICE! kaya yung mga lalaking nagsasabi ng Sorry nagkamali lang ako *u** walanv pagkakamali dun pinili niyang gawin yun alam ko sa sarili ko MAGANDA AKOπŸ˜‚ PINAGPALIT LANB SA LUMANDE PERO MAGANDA AKO. HAHHA E SIYA BA MAGANDA? HINDI NAMAN E GINALINGAN LANG🀦 BUSY KASI AKO SA PAGAALAGA NG MGA ANAK KO KAYA AYUN SINALO PAG AALAGA SA ASAWA KO πŸ˜‚

Magbasa pa

Ako nalaman ko na open ko fb ng asawa ko sa phone ko hahhaha wala syang kaalam alam na habang nagbabasa ko sa convo nila may ginagawa na ko hahahah. Yes sobrang sakit that time sabi nya nasa parents nya sya dun muna sya umuwe pero galing pala sya sa babae nya at habang magkachat sila nababasa ko din. And ginawa ko sinabi ko lahat sa babae lahat ng sinabi sakin ng asawa ko. Lalo na yung mga ayaw marinig ng babae hahaha. Sabi ko nga sa asawa ko dati kapag nambabae sya isusumpa nya na ako naging asawa nya ayun. Ewan ko kung sinumpa nya ko binalik ko sa sya ng nanay nya

Magbasa pa

Me sis! Mahirap magsalita ng tapos kasi bka ndi ko magawa pag nsa sitwasyon nq basta as much as possible kalmado if caught in the act tpos magpapakita aq sa kanila para slam nya alam ko na pero ndi aq gagawa ng eskandalo. After non magpaaganda lalo aq lahat ng ikaka imporove kpa gagawin ko tapos kukumprontahin ko asawa ko. Papipiliin ko sya. At pg ndi aq pinili nya paglalaruan ko sila total I am the legal wife I can do all I want kaya ko sila idemanda. Pero mahirap maisip yan kasi ndi ko din slam tlga gagawin ko pag nasa sitwasyon nq ng ganyan.

Magbasa pa

ako nahuli ko may kachat sya ganun pala ang feeling ung nanginginig ka na parang sinisilaban na di mo maipaliwanag nararamdaman mo tas tumutulo nlang luha mo sa kababasa ng convo nila. ung mga greetings na di ginagawa sayo eh don nya nasasabi. tas pag kinumpronta mo ako pa lalabas masama kesyo tamang hinala... ung ginagawa kang tanga sa mga palusot... haist kaya di talaga ako nakakalimot ehhhh ngayon tuloy di ko na sya mareplayan ng iloveyoutoo... kahit updated na ako sa mga ginagawa nya hindi ko na halos pinapansin ang paliwanag nya...

Magbasa pa