third party

Mga sis kung nahuli nyo na nambababae ang asawa nyo, ano gagawin nyo sa mister nyo at dun sa kabit nya? ?

104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

wag muna mg react , humanap ng magandang ebidensya , at kung meron man ngang ginagawa kalokohan si hubby , syempre di mo kailangan maging tanga nlng jan dba , isipin mo muna kung anung ggawin pero.una sa lahat ung bata , kasi di rin nakakatulong yung pagiging isterikal dahil nalaman mong ginagago ka ng asawa mo , make sense ! mag paganda ka , balik ka sa dati mung alindog then rumampa ka ! nagloko sya , gawin mo rin , para walang sisisihan ! πŸ˜‰πŸ˜‰ dame ng namamahal sayo , di ka ng iisa 😘

Magbasa pa

Sa totoo lang, kapag may nagtatanong ng ganyan sakin noon sinasabe ko sasabunutan ko yung babae makikipaghiwalay ako etc etc. Pero nung andun nako sa sitwasyon 7yrs mag bf/gf kame. Nag isip isip ako, kinausap ko sya kung ano ba problema sakin at babaguhin ko pati sya magbabago. Pinatawag ko yung babae para makausap ko, bata pa sya. Di nya alam ginagawa nya. Kaya binigyan ko ng isa pang chance si hubby at ngayon 3 yrs happily married na kame at never nya sinira ang vows nya sakin. 😊

Magbasa pa

If grabehan yung pangloloko ibang usapan na, lahat naman ng tao pag nasagad di ba lumalaban dapat. Ipapatanggal ko lisensya nya and ng kabit niya if ever man na meron sila non and ipapatanggal ko sila sa work place nila then pahihimasin ko sila ng rehas parehas. Magfifile ako ng adultery, concubinage and emotional abuse sa kanila parehas then I'll file for annulment using his share sa half ng conjugal properties namin. I will make sure na di sila makakabangon after 😊

Magbasa pa
5y ago

Iba momsh! Ito talaga ang pinakamagandang gawin sa asawa at kabit nya. :)

If he really cares for us, hindi siya mag-cheat in any forms. Malaki tiwala ko sa husband ko. Pero kung gagawin man niya 'yon, maghihiwalay talaga kami. Sa akin ang bata. At ni anino naming dalawa hindi niya makikita. Hahayaan ko siyang sumama sa kabit niya. Siya naman magsisisi sa huli. That's why kailangan talaga working mom ka rin para in case na may ganitong mangyari you can provide for the both of you. Hindi na ako maghahabol ng sustento.

Magbasa pa

Yung may nang fiflirt pa nga lang sa asawa mo at ginagamit ng babae ang friendship nila eh nakakapanggalaiti na what more pa kaya kung sila na. Mahirap po pag nasa ganung sitwasyon at sana wag mangyari sakin. Pero siguro para sakin i will focus sa baby at sa family ko, babawi ako sa mga magulang ko. (pero nasasabi ko lang yan kasi hindi po nangyari sakin). Un po kasi ang normal at ideal... Ung tipong sana makamove on agad. Haist!

Magbasa pa

tatanungin ko muna sya kung bakit siya nag cheat. depende sa rason niya kung ipagpapatuloy ko pa yung relasyon namin. kung dahil lang sa nangati siya siguro bigyan ko pa ng isang chance pero kapag umulit goodbye na. pero kung nainlove na sya sa kabit niya eh wala nakong laban dun. wala nakong pake sa kabit niya mas mabuting di ko na makilala kasi mas masakit lang iyon pano kung mas maganda pa sayo eh masasaktan ka lang.

Magbasa pa

Di naman sakin gagawin ng asawa ko yon, pero kung mangyari man lalayas kami ng bata ibenta ang bahay hati kami sa pera sakin ang bata bala na ko kung san kami titira pero di na nia kami makikita kahit sustento di ko kailangan kaya kong buhayin mag isa anak ko plus bago ako umaksyon kukuha ako ng ebidensya mag fifile ako ng kaso sa kanilang dalawa tapos kasuhan ko sya admin case sa trabaho nia para masibak

Magbasa pa
VIP Member

Bago pa man siya mangbabae. May kasunduan na kami. Lahat ng properties namin, sa anak namin mapupunta LAHAT para walang mapaghahatian sa huli. So pag nambabae siya. Start kaming dalawa sa ZERO. Tignan ko lang kung di siya iwan ng babae once na walang-wala siya at bayag na lang niya ang natira. Mas maganda may written agreement para incase na di siya mag-follow naka-stipulate sa paper. πŸ€ŸπŸ˜‚πŸ’ͺ

Magbasa pa
VIP Member

Before nung wala pa kaming baby pinapasama ko na siya dun sa lumalandi sa kanya, ngayon na may baby na kami, wala. Hiwalay agad. Alam niya yun. I wont waste my time and energy. Mag sama sila basta ang anak namin, sakin lang. Mabubuhay ako ng wala siya pero hindi ko kaya na malayo o mahiwalay sa anak ko. Kaya hiwalay agad. Nako konsomisyon lang kapag inaway ko siya. Mapapagod lang ako

Magbasa pa

Dipa naman nangyayare at sana hindi hehe. If ever, iiwan namen sya ng anak ko. Ipapa-ban ko sya sa subdivision namen. All assets are under my name so wala sya habol... except for 2 joint bank accounts. Madali naman itransfer online saken lahat yun. πŸ˜† Evil. But kailangan niya magtanda. May trabaho naman sya so not sure if malaki effect sakanya. Basta saken anak namen.

Magbasa pa