βœ•

NABABALIW NA AKO! [Funny story]

Hi mga sis, i finally got a time magshare ulit dito sa app na to. This is a funny story --- yet effective. Share ko lang, malay nyo umepek din sa inyo. Haha! MAKAPAL ANG MUKA KO! Yes, GGSS ako ever since, aaminib ko yan. But recently, nakakafeel ako ng insecurities which is so weird. Intuition? Instinct? Im not sure. So let me share you this: 2month na akong nakapanganak kay LO, and im still on my 6-month Maternity leave. Si hubby, working sya as school admin and everytime na uuwi sya parang automatic sakin magcheck ng phone nya esp Facebook recent searches and messenger. [Not to mention, di ko ginagawa dati] then, may isang "Girl" na always on top ng searches nya. So ako, as a paranoid-stay-at-home Mom, inistalk ko si girl. And found out na new HS Teacher. Hmmm pretty naman sya, and young. Shes 23, im 28. So eto na, hindi ko ugali iconfront hubby ko sa something na di naman ako sure. Pero napifeel ko na bet nya talaga si girl. Mega like ang Kuya nyo sa mga pictures ni Maam. While, i almost blowed up my friends news feed sa mga photos ng baby namin. Also, bukambibig nya si Maam tuwing kumakain kami. Halatang may paghanga si Kuya nyo. Haha Di ko na mapigilan mga sis. Sobrang selos na selos na ako. Kung ano ano tumakbo sa isip ko. Well, kesa mastress ako... ganto ginawa ko. 1. Umorder ng mga balik alindog program products [make up, lotion, etc. etc.] 2. Tinatapat ko na bago sya umuwi bagong ligo ako 3. Di ko na hinawakan cellphone nya eveeer! 4. Pag nag aaya sya, nag rereason ako like antok na ako, pagod ako magalaga [hindi ko ginawa sa kanya for 6yrs. Yung tumanggi] 5. Eto na ang finale, after a month na pagpupursiging gumanda ulit. (Nanotice naman nya at ng mga friends namin) its time para paikutin ang pwet nya... Nagdownload ako ng FAKE CALLS app, and sineset ko sya 10mins/15mins pag kumakain kami. [Wala po talagang naglalakas loob tumawag sakin na guy.] So eto na, tuwing kumakain kami, magriring yung phone ko and saved the contact as UNKNOWN (like overseas call). Si hubby tila abnormal, silip ng silip sa cellphone ko. Pag nagring na ung fake call, kunwari icacancel ko sa harap nya then punta ako sa room. As if i am really cheating. Mga naka apat na gabi rin ganon. Di naman sya nagtatanong kung sino. Pero simula nun mga dai, napaka aga na kung umuwi, ung madalas na nakatalikod sakin pagtulog,ngayon halos masakal na ako sa higpit ng yakap, always may pasalubong. At may patravel pa si Kuya sa sabado. Super epektib sakin. Natatawa lang ako kasi muka akong tanga. Ngayon 2weeks na sya consistent at dinelete ko na rin ung app. [Baka mabuking ako shet nakakahiya yun] Ocge na. Sana kahit papano natawa kayo. Goodnight!

213 Replies

Ang talino mo girl! Kung ako yan hindi ako makakatiis kokomprontahin ko agad. But ikaw, you used your mind and come up with a funny yet super effective idea. Ano pla yn app na yan pla madownload ko dn in case mabaliw din ako. Hahah. 😊

Yung asawa ko sanay na sakin. Never kasi ako nag ayos. At never naging conscious although hindi ako tabain. Kaya kahit lipstick lang, as in bahid lang, nagtatanong na bakit daw ako naka MAKE UP?? Lipstick lang make up agad?

Hehehhe ang nice ganyan nga gawin q kay hubby. Actually ung 1.2.3 mo gngwa ko sknya un specially ptingin ng phones and recent searches. Nya. Nkakapraning And I'm 6mos preggy pero sa gnyan praan baka. Matry... ❀️

Tawang tawa ako dito hahaha paranoid din ako e. Hahahahhaha nakakaloka ka! πŸ˜‚πŸ˜‚ stay happy and in love sa inyong dalawa! ❀ituloy mo lang yung balik alindog chenelyn mo sis hahaha

TapFluencer

HAHAAHAHAH ito yung asawang kinikeep. Very good mommy. Imbes bungangaan si hubby, magandang way yung ginawa mo para di na maattract si hubby sa iba. Salute to u sis!! πŸ’™

Nakaka proud ka po mommy. ☺☺☺ Kasi ako nang aaway e pag may hindi ako nagustuhan na ginawa ng mister ko. πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… pero ikaw gumawa ka ng paraan talaga.

Tawang tawa ako dito sis salamat sa pag papatawa saken pero tama ka , dapat kahit nasa bahay lang tayo maganda parin tayo at hindi mag mukang hagardo versoza ..

Haha 🀣 ganyan dapat , balik alindog hndi yung sobrang nugger na bunganga at awat kaagad npaka toxic ng ganun 😊 Well gudluck and congrats seyu mamsh πŸ˜‚

Nakakatuwa ka momsh hehe.. gagayahin ko tong ibang way mo.. ung iba kc ginagawa ko na eh like.ung.pagtanggi tanggi sa kanya hihi.. tnx sa idea mo momsh..

Hahaha galing ni momsh! Yung iba siguro diyan aawayin na yung partner. Parang ako. Hahaha. More power momah galing galing hehe. πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜…πŸ˜…πŸ’•

Trending na Tanong