Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Dreaming of becoming the best mum and wife
Sa Wakas!!
Hello mga mamshies! Meet my true love ❤ Misha Ysobelle weighing 8.5 lbs delivered via NSD No epidural (Lying In) Born December 5 at 12:35 am!! Due date via Ultz: November 30 Due date via LMP: December 5 Worth it yung hirap at pagod! Lalo na yung sakit ng tahi ko hanggang pwet! Yes hanggang pwet sa laki ba naman e. Akala ko hindi ko kakayanin since meron din akong asthma .. But in god's grace I was able to deliver a health and bouncung baby girl.. Tho kamukha ng tatay nya talaga hahah So this is the end of my Pregnancy journey.. I will move on to Parenting level ! ?❤
DUE DATE KO NA BUKAS ?
No signs of labor. No mucus plug seen. Naglalakad lakad naman ako, kumakain ng fresh na pinya, nainom ng pineapple juice, nag squat at 3x a day yung eveprim ? Wala padin ? di ko alam anong gustong date ng anak ko hahahahaha natatakot ako macs. Nov 18 3.5kg yung approx. weight ni baby girl ?
Pressure
Ako lang ba yung nappressure na manganak na? 38 weeks and 5 days ftm here . 7.1 lbs si l.o . Edd via ultz nov 30 via LMP december 4. So nag pacheck up ako sa ob ko last tuesday .. Close cervix ko so niresetahan ako ng eveprim to take oraly 1000 mg 3x a day. Sabi nya dapat daw by tuesday next week bukas na sya kasi baka iinduced nya ko. Ayaw nya umabot ng 40 weeks kasi daw matanda na placenta at baka makapoops na si lo So the pressure began there . Ayaw ko mainduced. Natatakot ako kasi mas masakit daw yun . Tsaka baka din pag lalo lumaki si lo sa loob di ko na mailabas ng normal at mcs nako . Tapos ewan ko lang .. Basta nappressure din ako sa pamilya ko . ? araw araw naglalakad ako ng umaga start nyan mga 5:30 . Kumakain ako ng fresh na pinya tapos pineapple juice din . Umiinom ako eve prim tapos sabi pwede din daw iinsert yon so nag try na din ako kanina mag insert. Etong mama ko, always nag tatanong kelan ako manganganak .. Syempre di ko naman alam at di ko sure kelan gusto lumabas ng baby ko . I am well aware na excited lang sila .. Na gusto na nila makita to. First apo both sides . So ayun chat ng chat si mama kamusta na daw ba ko? Sinasagot ko naman ng okay lang naman ako pati si baby. Tapos lagi nyang reply "Hindi ka kasi nagpapatagtag masyado . Kaya ayaw lumabas di mo tinutulungan lumabas si baby mo" "maglakad lakad ka pa kulang pa" basta laging ganyan laman ng chat nya . so ako naman parang ano pa bang kulang na gawin ko? Sinabi ko kay mga mga ginagawa ko every morning . Nag deep squats na din ako . Wala talagang hilab e. Wala talaga contractions . Naninigas lang sya . Yung byenan ko naman (sa knila ako nakatira) syempre pagod nako maglakad e. Pawis nako sa kakasquat . So nahiga saglit lang naman kasi napapagod din naman ako . Pag.pasok nya sa kwarto sabi nya "Pano ka manganganak nyan" tapos parang nakasimangot na sya then sabay labas ulit so ako kahit masakit na binti kakalakad at kakasquat tumayo ulit ako tapos naglakad lakad ng paikot ikot sa kwarto tapos naiyak nako . Nappressure nako di ko na alam . Ano pa bang dapat kong gawin? ??
EDD : November 30 2019
Hello mommies, ask ko lang ano pa pwede gawin para maging manipis yung cervix. Last friday kasi makapal at sirado pa daw 38 weeks na po ako and 3 days . Sabi nung ob ko this friday pagka 39 weeks ko at di padin manipis cervix ko tsaka nya ko reresetahan nung gamot pampanipis ng cervix. Natatakot po kasi ako ma cs. (may asthma po kasi ako) 6.5 lbs na si baby nung last na biophysical test nya nung nov.4 . Natatakot ako na lumaki pa lalo at di ko kayanin manormal. Nag diet naman na ko and naglalakad lakad sa umaga 30 mins to 45 mins then kumakain ako ng pinya. Sumasakit na yung balakang at palagi nang tumitigas tyan kopati sa bandang buto sa pwet at buto sa singit sumasakit na din . May maisusuggest pa po ba kayo? Salamat
Contractions
Ftm po ako. So di ko po alam kung totoo na yan na nag cocontract ako o braxton hicks padin . Masakit po yung lower back at puson ko tapos tumitigas yung tyan ko gawa ng galaw sya galaw. Then parang nararamdaman kong bumababa sya papuntang puson. 37 weeks na po ako pero last friday pag ie sakin sirado pa naman yung cervix ko. Ano po sa tingin nyo? TIA! ?
COMMONWEALTH HOSPITAL
By any chance sino po nanganak na sa commonwealth hospital? Magkano total bill na binayaran nyo? NSD or CS ? TIA
Baby Wash
Hello, Tatanong ko lang po sana if maganda yung johnson's baby wash for nb? Any recommendations po?
Sore Eyes
Ano po kayang pwedeng gawin sa sore eyes? 14 weeks pregnant po ako.
Laboratories
Hello mommies, Im 11 weeks pregnant, a first time mom . I wanna ask if how much will it cost me for cbc/urinalysis/hepa B screening (nakalimutan ko yung dalawa pang laboratories na gagawin)?? Salamat po.