NABABALIW NA AKO! [Funny story]

Hi mga sis, i finally got a time magshare ulit dito sa app na to. This is a funny story --- yet effective. Share ko lang, malay nyo umepek din sa inyo. Haha! MAKAPAL ANG MUKA KO! Yes, GGSS ako ever since, aaminib ko yan. But recently, nakakafeel ako ng insecurities which is so weird. Intuition? Instinct? Im not sure. So let me share you this: 2month na akong nakapanganak kay LO, and im still on my 6-month Maternity leave. Si hubby, working sya as school admin and everytime na uuwi sya parang automatic sakin magcheck ng phone nya esp Facebook recent searches and messenger. [Not to mention, di ko ginagawa dati] then, may isang "Girl" na always on top ng searches nya. So ako, as a paranoid-stay-at-home Mom, inistalk ko si girl. And found out na new HS Teacher. Hmmm pretty naman sya, and young. Shes 23, im 28. So eto na, hindi ko ugali iconfront hubby ko sa something na di naman ako sure. Pero napifeel ko na bet nya talaga si girl. Mega like ang Kuya nyo sa mga pictures ni Maam. While, i almost blowed up my friends news feed sa mga photos ng baby namin. Also, bukambibig nya si Maam tuwing kumakain kami. Halatang may paghanga si Kuya nyo. Haha Di ko na mapigilan mga sis. Sobrang selos na selos na ako. Kung ano ano tumakbo sa isip ko. Well, kesa mastress ako... ganto ginawa ko. 1. Umorder ng mga balik alindog program products [make up, lotion, etc. etc.] 2. Tinatapat ko na bago sya umuwi bagong ligo ako 3. Di ko na hinawakan cellphone nya eveeer! 4. Pag nag aaya sya, nag rereason ako like antok na ako, pagod ako magalaga [hindi ko ginawa sa kanya for 6yrs. Yung tumanggi] 5. Eto na ang finale, after a month na pagpupursiging gumanda ulit. (Nanotice naman nya at ng mga friends namin) its time para paikutin ang pwet nya... Nagdownload ako ng FAKE CALLS app, and sineset ko sya 10mins/15mins pag kumakain kami. [Wala po talagang naglalakas loob tumawag sakin na guy.] So eto na, tuwing kumakain kami, magriring yung phone ko and saved the contact as UNKNOWN (like overseas call). Si hubby tila abnormal, silip ng silip sa cellphone ko. Pag nagring na ung fake call, kunwari icacancel ko sa harap nya then punta ako sa room. As if i am really cheating. Mga naka apat na gabi rin ganon. Di naman sya nagtatanong kung sino. Pero simula nun mga dai, napaka aga na kung umuwi, ung madalas na nakatalikod sakin pagtulog,ngayon halos masakal na ako sa higpit ng yakap, always may pasalubong. At may patravel pa si Kuya sa sabado. Super epektib sakin. Natatawa lang ako kasi muka akong tanga. Ngayon 2weeks na sya consistent at dinelete ko na rin ung app. [Baka mabuking ako shet nakakahiya yun] Ocge na. Sana kahit papano natawa kayo. Goodnight!

213 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

tama nmn kxe kung ippakita mong desperada ka kakaselos lalo lang mgpifeeling pogi yan.. hahahhahaha dpt cla ang nghhbol. keep up the good work..

VIP Member

Huy mamsh anong app yan hahahahaha kakaloka pero props to you kasi di ka gumawa ng eskandalo, very classy ang pagkakagawa ng paraan hahahaha

I love it momshie! Haha Moral Lesson: Huwag pabayaan ang sarili. Dapat lagi pa din maganda at mabango kahit SAHM tayo. Self Confidence! ❤

Galing mo mamsh! natuwa ako s kwento..tingnan ko nGa sa hubby ko pg nkaanak n din ako, pg my kakaiba mkpg download ng fake calls..hahhaha

Haha wow na wow, super effective Momsh ha!!! Nako napa brilliant ng idea mo. Momsh super salute ako. Haha yan ang napala ni Mister ahaha

VIP Member

Hahahaha kakatawa to 😅 buti na lang hindi mahilig sa babae ang asawa ko. Nerd kasi, D&D, wrestling at Anime lang, buhay na sya 😂

Galing mu dyan sis.. magawa ko nga yan after ko manganak khit wala nmn ginagawa asawa ko. Gusto ko lang mabalik ung sweetness..

VIP Member

Nice mamshie!!! Gurl power!! Thanks sa pagshare.. Kaya lng baka pag di umeffect sa hubby ko.masaktan lang ako lalo.. Huhuhuhu

Well played momsh. Gusto ko e try pero baka iba ending Hahaha. Pero anyways, ang ganda nang kwento nakakawala nang stress.

Ayy taray !😊😊 gagawin ko din yan kay hubby, simula kci nung nag buntis ako hndi nako nag aayos e 😂