ANAK SA BINYAG! Kaloka

Mga sis, bawal ba talaga mag-anak sa binyag yung buntis? Nagpabinyag kasi ko ng baby ko. May kinuha kong officemate ko, pregnant sya. Okay lang naman sa kanya mag-Ninang. Mismong binyag wala sya. Tinanong ko sya kinabukasan bakit di sya nagpunta kasi nagbigay sya ng gift. Sabi daw kasi ng mga officemates namin bawal daw umattend sa binyag ang buntis. Juskooo. So Tita lang sya not Ninang sa gift na binigay nya. Sabi ko nga Tita lang sya muna pero pag nanganak na sya Ninang na. Hehe. Sa next baby ko na lang daw sya mag-Ninang. Gusto ko talaga syang Ninang ng baby ko pero di ko alam kung ipipilit ko... ? Gulat din daw sya na may ganung pamahiin. Totoo ba yun mga sis? Opinion naman po...

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sabi nila masama daw. Pero nung buntis ako nakadalawang attend pa ako ng binyag. Sabi nila kase daw mag aagawan daw ng swerte ang baby at bibinyagan. But for me, mas masama ang hindi pag share ng blessings. Sabi sabi kase nila db kapag tumanggi ka sa pagiging ninang parang nagdadamot ka na rin ishare blessings mo

Magbasa pa

Ako nung ilang buwan na buntis pa lang nagpabinyag friend ko at kinuha akong ninang, bawal din tumanggi. Ginawa ko hindi ako pumunta pero nagpabigay ako ng pakimkim. Saka nilista pa din ako as ninang nung baby. Ewan ko ba sa mga pamahiin pero wala naman masama kung susunod o hinde 😂

Ndi Naman po😂😅 dapat nagpapunta nlang xa NG proxy nya atlis may umaten pra skanya maging ninang xa at ninang padin xa😁😊 sa pagkakaalam ko sa cementeryo Ang bawal Kung makikipag libing ka un po tlga Ang bawal Kasi bka maaswang NG mga kaluluwa dun ung pinagbubuntis mo.😂😂

bawal daw po talaga. un ang pamahiin kht ako kinuha ninang ng clsmte ko ng high school sa baby nia pumayag ako pero sabe ko hnd ako makakapnta pumayag nmn sia at okay lang s knia. bsta ninang daw ako ng baby nia.

Nagninang din ako during pregnancy ko kasi 1 month palang si baby hindi ko alam after kong umattend sa binyag sinabihan ako bawal daw kasi kawawa yung inaanak ko magkakasakit daw pero wala nmn nangyari 😂

Ung friend ko na guy tinanggihan din magninong sa eldest namin kasi at that time buntis ung wife nya. Ginalang ko na lang since naniniwala sila sa ganun. Ayoko naman mamilit. Sa bunso na lang cya nagninong

5y ago

Kaya nga po kahit gusto ko next baby ko na lang daw. Natapat lang talaga na pregnant sya. Nalungkot lang ako ng konti kasi deserving sya maging Ninang ng baby ko.

Hala di ko alam un sis... last dec 25 2019 4mos pregnant ako umattend ako ng binyag.. ninang ako sa dalawa ko pamangkin... awa ng dios 6mos and healthy si baby... kakatapos ko lang ng CAS kanina

pamahiin po lalo na sa province..yung hubby ko po nag ninong sa pamangkin nia.. di din siya pinayagan pumunta sa simbahan dahil 5 mos preggy po ako.. wala naman masama kung susundin din.. 😊

Sabi po ng matatanda. Bawal daw magattend ng ceremony nung binyag kasi magaagawan daw ng swerte yung baby mo at yung bibinyagan. Pero sa reception nman daw pede ka na pumunta. 😅

7 months pregnant ako. Sa buong pagbubuntis ko, naka apat na inaanak ako (girl, boy at twin girls) Sabi sabi lang ho yan, walang scientific explanation regarding that matter. 🙏