CS, Pregnant Again

Mga mumshie, curious lang po. Kung cs ka nanganak and then after 10months nabuntis ka ulit hindi ba bubuka yung tahi mo kapag lumaki na yung tyan mo? And pag nanganak naman sa ibang parte kaba ulit bibiyakin?

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Actually, bare minimum is 6 months pwede na mabuntis after CS. Basta take care of yourself and stay healthy para sa baby. Sabi ng OB, 6 to 8 weeks healed na ang incision pero di pa ganun katibay. May nabasa din ako sa FB, 6 months lang din nabuntis sya agad after CS pero nakapag normal delivery pa sya. Don't scare qyourself sis. Nandyan na ang baby mo, all you have to do is think positive and continue your pregnancy. Basta take care of yourself and stay healthy para sa baby. Maraming nabubuntis ulit months after sila ma CS. Mas maaga pa nga sayo. Yung iba 2 months or 3 months after nabuntis na sila after CS. Like Cheska Garcia Kramer. 3 months lang din gap nabuntis ulit sa bunso nya. Just don't stress yourself sis. Think positive and pray. Kung nandyan na that's ok. Paalaga ka lang po sa OB mo. Eat healthy and take vitamins na reseta ng OB. Pray and God will keep you safe sis. God is able. After all, babies are blessings. ❤️

Magbasa pa

family planning sa susunod moms, d biro ang magbuntis ng ilang mons lang ang pagitan after CS, sakin 5yrs old na panganay ko ning nagbuntis ako 2015 ako nag start mag painject after ko manganak sa pnaganay ko via CS then sept.2019 nag stop ako magpainject nung nagpapainject ako sa center sila pa mismo nag tatanong kung bakit ayaw ko pa sundan panganay ko fully healed naman na daw katawan ko adviseable talaga na 3-5 yrs ang age gap pag CS, now manganganak ako sa pangalawa ko bet last week ng april or first week ng May via CS dn at kung papayag ung OB magpapaligate na ako para 1 sakit nalang

Magbasa pa

It's okay po mommy. I had an incision march last year too due to ectopic pregnancy and after 9 months nabuntis po ako ulit and thankfully this time successful pregnancy na and naitanong ko yan sa OB ko and she said it's okay po and di naman bubuka ang tahi natin kapag malaki na ang tyan. But now i am 5 months preggy na po mejo maselan lang at bawal magbuhat2 ng mabigat tsaka maglakad ng bongga.

Magbasa pa

Hi mga mamsh. Tanong ko lang. Oct 2 ako nanganak then bandang nov. 24 nag bleed ako ng 2-3 days then dec 11 ng bleed ulit ako ng 2-3 days tapos nung january di ako dinugo then sunce kahapon feb.8 hanggang ngayon e sobrang konting spotting with cramps akong nararamdaman, yung parang magkakamens ako pero spotting lang. Exclusive bfeeding po ako.And 4mos. na po si baby

Magbasa pa

cs ako mummy ang sabi ng ob ko, dapat talaga 2 years kasi para di magrapture yung matris natin. if preggy ka uli after 10 months better na mapamonitor mo for your safety. of course sa labas healed na yung skin kahit mabanat sya, sa loob yung di tayo sure. regarding po sa ibang parte bibiyakin case to case yata mummy depende sa huling hiwa mo.

Magbasa pa

Di ka ba nainform ng ob na 2-3 years bago ka mag anak aftr cs kasi di ba tuluyang hilom ang sugat sa loob? Bakit d ka nagfamily planning? O di ka lang tlaga nakikinig sa ob mo. E andyan na yan, ipaalaga mo nlang. Hayyy antitigas tlaga ng ulo ng ibang nanay. 🤔😑

4y ago

Masyado po kayong perfect no?

same tayo mamsh cs ako after 1 year nabuntis ulit ako. tinanong ko OB ko wg lang daw ako masyado s matamis at dapat nd ako sobra kumain. .. nakadepende din daw sa katawn mo / sa matres mo kasi may patient sya 6 times na naCS tapos 1-2 years lang ang pagitan.

4y ago

nakaka buhay ng loob nman ito sis comment mo,cs mom ako nmatay 1st born ko hoping sa nxt baby dream ko pa nman madaming babies hndi ung 2 lng or isa

No offense po mommy, Baby is always a blessing but please make sure we do family planning po. Kasi hindi lang tayo mahihirapan.. Baka pati si babies natin.. Anyway, Congrats and check na agad kay OB para sureness ang lagay niyo ni baby ☺️

VIP Member

Hindi naman siguro mommy pero mas mgnda kung monitored ka ng ob. Ako na ECS din tapos gusto ko magbuntis agad😂 sabi ni ob after 6months pwede na pero CS ulit kapag manganak ako saka bago ako magbuntis ichek nya muna kung fit na ang uterous ko.

hala masyado maaga. advisable po is 2 to 3 years. hindi pa fully recovered ung sugat mo sa loob. tinuturo po ang family planning right after you give birth at sinasabi yan ng OB. nakabalik ka ba sa OB mo after mo manganak?