Insomnia
Mga mums okay lang ba na di nakakatulog kaagad? Simula ng nabuntis ako e ang tulog ko minsan mga 12am okaya 2am na. Pero late na din naman ako nagigising. Tas ngayong 27 weeks na tummy ko mas lalo akong hindi makatulog ng maaga. Minsan umaabot na ng 5-6am bago ako makatulog. Kayo rin ba?

Ako naman po baliktad. Mula nang mabuntis ako, sobrang aga na po namin natutulog ni partner ko. As in as early as 8pm minsan tulog na kami 😁 14 weeks pa lang naman po ako pero sobra po kaming naging antukin pareho 😂 natutulog pa po kami sa hapon after shift namin (work from home kami pareho). Sabi po ng OB ko bawal raw magpuyat, mga mommy 😞 Saka sulitin daw ang tulog habang buntis kasi 'pag nakalabas na baby at least 1 year daw po tayong hindi makakatulog ng maayos. Sana po makatulog kayo, mga mommy. Maaga po ba kayo humihiga? Kasi ako dati late ako humihiga kaya late rin ako nakakatulog. Try niyo rin po magbasa-basa o manood para mapagod mata niyo. Sana makatulong.
Magbasa pa
❤️❤️❤️