ASWANG?

Mga momsies I'm 23weeks pregnant at kagabi nakaexperience ako NG kakaiba yabag sa bubong namin Hindi sya pusa Kasi ulan nga malakas di rinig sa loob NG bhay Kasi my kisame at sarado sya...pero Yung kagabi tlga mga bandang 10pm Ang bigat NG yabag papunta sa bandang kwarto ko ..di Naman Tao Kasi di tumahol Yung dalawang aso sa likod bahay..super tigas ng tyan ko habang naririnig ko Yung yabag nun nilabas NG tatay ko parang tignan Yung bubong bigla nwala Yung yabag..Totoo po ba Ang ASWaNg...

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

im not sure sa ibang tao, pero ako naniniwala noon, 7-8months ako nung naranasan ko un, kaya ung mga inlaws ko pag pagabi na hindi na ako pinalalabas ng kulambo, protection daw sa tiktik, minsan doon na ako pinapakain. tapos madalas salitan sila sa pag babantay kase habang lumalapit ung ika 9months ko palakas ng palakas ung pag paparamdam, merong parang bumabato sa bubung. merong parang nag lalakad na dahn dahan na parang mawawasak ung bubung, at worst ung papuntang bintana, naka abang ung father inlaw ko bumulaga sa knya pusang puti na may yellow spot. after ko manganak na wala na din ung ganun ingay, dito un sa bandang sta ana manila.

Magbasa pa