Folklore: Aswang/Ungo/Mananangal

Hiiii mga mamsh, naniniwala po ba kayo na may aswang/ungo/mananangal? Kasi ako po ngayun lang as in 20. Mins ago, 35weeks AOG. May kumalabog bigla sa bubungan namin di ko pinansin kasi akala ko pusa lang nag yu.yutube ako nung time d kasi makatulog. At yun na nagsimula na syang mag lakad.lakad paroot parito, pumunta din sya sa may bintana kaso sarado completely bintana ko pero rinig ko mga yapak niya. Iba talaga sa mga yapak nang pusa, kasi sa pusa very light lang yung sa kanya medyo mabigat at talagang hakbang tao hindi sa hayop talaga. #1timemom #nakakatakot Share nyo din yung nakakatakot stories nyo while pregnant. Keep safe mga mamas😇

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kapag ganun momsh, magpatugtog ka worship song sa youtube, tapos magpray ka in Jesus name na protectionan kayo ni Lord. If you will feel fear kasi lalo ka tatakutin ng mga yan.