Sleeping position

Mga momshies, tanong ko lang po. Ok lang ba na minsan magsleep ka sa right side mo pag nangalay kna sa left side? Kasi according sa mga nababasa ko, dpat sa left side daw lagi mahiga pra mtanggap ng placenta ung buong nutrients n maibibigay sa bata. Kaya lng nahihirapan namn ako n plaging s left, nangangalay ako. Tapos minsan nagigising ako nkasleep ako on my back kasi di maiwasang magising ng ganung position, eh sabi rin sa nabasa ko bawal daw un kasi nkakastill birth ng baby. Kayo po ba mga mommies, paano kayo natutulog during your pregnancy? Ok lng ba minsan sa right side, o pahiga straight ang position? Di ba makakapekto un kay baby? Nagwoworry kasi ako n baka mapano si baby kung minsan nsa right side or on my back position ako kpag natutulog.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako din 😂 hirap matulog ng consistent left side mas kumpotable ako sa right. Ginagawa ko papaantok ako hanggang makatulog sa right side tas pag naalipungatan ako lilipat nalang sa left.😂 lagay ng unan sa likod para di tumihaya.In case naman magising ka nakatihaya pwede naman po bumalik patagilid.

VIP Member

Ako salitan. Pampa antok ko right side. pag napipikit n ako, lipat na aq left side. naglalagay aq pillow s likuran q pra d ako natitihaya. Nahihirapan aq huminga kapag nkatihaya ako. Kaya left or right lang tlga posisyon ng tulog ko. 😍

Lagay ka unan or bolster sa likod mo Mommy, while lying on your left side to prevent yung pag higa mo on your back. May nabasa nga akong studies na ganyan lalo if you're lying on your back on your third trimester 😅

Its okay naman po, just don't sleep on your back. Sabi kasi ng OB ko nun, good sleep position ng preggy is left side talaga. Pero sa case ko, meron akong reflux kaya advisable na sa right ako humiga.

VIP Member

pwede naman nakatihaya basta ung pasandal. parang nakaupo ka din. mas kumportable ako sa ganyang position. nagfafile ako ng 3 unan para mataas.

Same po tayo ganyan din ako nagigising na nakatihaya na.😀 siguro ok lang naman yun. Sabay balik ulit sa left or right side.

4y ago

hnd po tlag advisable na nkatihaya matulog mas mainam po sigurong lgyan nyo unan likod nyo pra my nkasuporta momi tpos kong nangangalay na kayo sa leftside pwd kyo lipat sa ryt side bsta wg lng tlaga kyo tumihaya..

It's okey momsh. Aq po minsan nagigising right side aq nakahiga. Pero kadalasan left side, nakatulong maternity pillow ko.

ako din left side at right side..di ako makatulog pag sa left side eh..minsan nakatihaya rin ako.

VIP Member

yes po pwede naman. ganyan din ako pag ngalay na sa kabila, sa kabilang side naman. 😊

VIP Member

ok lng nman palipat lipat. ..ako din nga nananakit na bandang ribs ko..