Newborn: Ano ang OK na gamot sa ubo at sipon ng 1 month old baby?

Hi mga momsh, yung baby ko 3 weeks old palang, nung una may sipon siya, tapos nagka ubo nung monday ng hapon, pinacheck up namin ng tuesday niresetahan lang siya Salinase, inistethoscope siya wala naman daw plema, baka daw hindi ubo baka samid lang. Naisip ko baka nga samid lang, kasi hindi naman madalas, pero nung wednesday ng madaling araw, napadalas yung ubo niya. Kalmado lang si baby ko hindi naman pala iyak, pero dinala pa din namin siya sa ibang pedia, ganun din ginawa inistethoscope tapos niresetahan siya salinase, tapos tinanong ko kung pano yung sa ubo niya, ang sabi niya hindi daw inuubo maingay lang daw ang pag hinga normal lang daw yun. Pero alam ko inuubo siya, ang sabi ng pedia baka daw sa panahon lang nag aadjust lang siya. May ganun pala, yung ubo na hindi kailangan gamutin? Nag taka lang ako kasi dalawang pedia pareho sila ng reaksyon, saka parang di sila naniniwala na inuubo baby ko. Nangyari na ba to sa inyo? Please paki sagot para malinawan ako

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din baby ko, sabi ko parang may sipon sya. Pero sabi ng pedia nya, okay naman daw ang baby, walang problema. Dont worry too much kasi naga-adjust pa din lang ang baby mo sa environment. And baka yung naririnig mo is halak na eventually naman ay mawawala habang lumalaki sya. And hindi ka naman lolokohin ng doctor pagdating sa health ng baby mo. Gaya ng sabi mo , nagseek ka pa ng 2nd opinion from another pedia and same lang naman sila ng naging assessment kay baby which is parehong okay, kaya wag ka pong maparanoid.

Magbasa pa