Need Advice
Mga momsh, share ko lang. Nahihiya kasi ako magsaway sa mother in law ko. Paulit ulit ko kasi sinasabi na kapag pinadedede si baby, mas magandang nakaupo. Kaso ang justification nya, lahat naman daw ng anak nya e pinapadede nya ng nakahiga. Naawa ako sa baby ko kapag sya nagpapadede, nakahiga tapos hindi na nabuburp. Minsan nakikita ko lumulungad na ng nakahiga ung anak ko na 16days old. Sinama ko din sya sa checkup sa pedia. Narinig naman nya na dapat may pause un pagdede tapos need iburp kaso hindi padin nya ginagawa at pinipilit un gusto nya. Mabait naman un mother in law ko, kaso may mga bagay na pinaninidigan nila un nakasanayan nila nun panahon nila. Anong pwede kong gawin?
Wag ka mahiyang magsaway po kase para naman po yun sa ikakabuti ng anak mo po yun mahirap na po na magsisi sa huli mas mabuting maagap po sabihin mo lang po na iniiwas mo yung anak po mo sa aspiration pneuomonia possible na magkaganyan po ang baby nyo kapag pinagpatuloy na padedein ng nakahiga at hindi pinapaburp lalo na po kung nakikita nyo na nalungad ang baby. iba po kase talaga nung panahon nila noon. sinasabe nga din po sa akin ni mama ko na noon pinadede nya lang kame ng nakahiga pero kase nung panahon siguro nila ganun talaga hindi uso siguro ang advice ng doctor na ganun. kaso lang po kase may mga explanation na po kase eh bakit kailangan sitting position. ang daluyan ng hangin at daluyan ng pagkaen magkatabi lang po sila kaya po maling pasok lang po ng gatas sa daluyan ng hangin maaaring maaspirate ang bata. Or kung gusto mo po na ikaw na lang po magpadede sa anak mo po aagapan mo po si baby na nakadede bago po sya kunin ng mother in law mo po.
Magbasa paRight mo naman yun na iinsist ung tama kc anak mo naman un. Kamo hnd na yun ang practice ngaun. Dun ka lang kamo sa mas safe. Saka iisipin m plg ung kapakanan ng baby mo. Baby m ang magssuffer if ever, hnd sila, hnd ikaw. Kawawa naman. But u can tell ur inlaws naman in a nice way. Impose mo lang pagiging mother mo and draw a line dn up to what lng sila pwd magkaron ng hand s pagpapalaki ng baby mo. Or better yet, ask ur partner to talk to his mother. Siya naman kc tlg pinakabest person to solve this issue.
Magbasa paAng kulet minsan talaga. Huwag mo nalang hayaan sis na siya magpadede kay baby kasi baga sa baga deretso ng gatas niya kawawa. Ako minsan di ako kumikibo lalo pag may ayaw ako kasi di naman magnda yun e. Lalo na nung isang araw pinakain ba naman yung 8months okd kong baby na biscuits yung alaman chocolate e ako tong sobrang alala sabi ko sa asawa ko hala Love pinakain ata nito si baby sugod si hubby sa LIP ko ayun di ako kumikibo saknya kasi naman lagi nalang paulit ulit nalang sa pagsaway.
Magbasa paMas mangibabaw dapat un concern mo kay baby kesa hiya kay mil. 9 months ka naghirap dalhin yan tapos sya gaganyanin nya sinabi na nga delikado. Nasaktuhan lang cgro na wala masama nangyari sa mga anak nya e pano kung masaktuhan din si baby na may mangyari sakanya? Edi iyak ka. Pagdating sa anak mo ikaw masunod lalo alam mo ikaw ang tama. Wag mo isipin nahihiya ka at mabait mil mo kung kapalit e ikakapagamak ni baby
Magbasa paPwede nmn po nkahiga padedein si baby as long as elevated ung ulo nya. Pwede mglagay ng pillow, ung lubog ang gitna pra hnd mag flatten ang shape ng head ni baby. Pro mommy, importante n mapa burp si baby. Pwede pong mpunta s lungs nya ang dinedede nya pag hnd sya napa burp. Sbhn mo n lng po in a nice way na ikaw n lng magpapadede kay baby. Trust your mother instinct 😇
Magbasa paSis kwentuhan mo ng mga articles o news na totoong may mg babies na namamatay sa ganyan. Minsan okay din na takutin sila in a way na makocorrect sila. Much better pakitaan mo ng picture or any proof. Kapag kasi ang mga matatanda kahit may paninindigan pero once natakot sila, masisira ang pinaninindigan. Ganon kasi way q minsan sa mama q, effective naman.
Magbasa paBawal po magpa dede ng nakahiga kay baka po masamid si baby. Instead yung milk papunta sa stomach ay baka sa lungs na po. Yun pa naman yung isa sa rason kung bakit nagkaka pneumonia ang mga bata. Paliwanag mo nalang po ng maayos kay MIL niyo po or yung husband mo sabihin yung napansin mo sa in law mo para siya na magsabi sa mama niya.
Magbasa paSbi mo nalang iba ang turo syo ng mommy mo, naku momsh minsan lang tayo magka anak, treasure every moment na na aalagaan mo ang baby mo. Kung tayo nga eh hndi mka inom ng tubig or kain ng nkahiga... baby pa kaya!? Jusko naman. Iba ang panahon noon they dont have enough knowledge, lagi sila nakikinig sa kung ano sabihin ng matatanda.
Magbasa paGanyan din po yung mother in law ko momshie. Pag sya nakahawak kay baby, pinapadede nya ng nakahiga. Ang ginagawa ko nalang, binabantayan ko tas kung tapos na dumede si baby, kinukuha ko sya para ipa burp. Tas sinasabihan ko din si hubby na dapat maka burp talaga si bb after every feed kaya ayun, binabantayan nya rin pag busy ako
Magbasa paif im not mistaken noon gingwa na ang mgpadede ng nkaupo kc nalulunod ang bata and second alam na alam ng mga mommies noon na kailangan ipaburp ang baby after tummy time.san nya nalaman yung di pgpapaburp? lht ng ksama ko dto sa bahay oldies kaya prang kakaiba MIL mo mommy.better to explain your side.
Magbasa pa