Need Advice

Mga momsh, share ko lang. Nahihiya kasi ako magsaway sa mother in law ko. Paulit ulit ko kasi sinasabi na kapag pinadedede si baby, mas magandang nakaupo. Kaso ang justification nya, lahat naman daw ng anak nya e pinapadede nya ng nakahiga. Naawa ako sa baby ko kapag sya nagpapadede, nakahiga tapos hindi na nabuburp. Minsan nakikita ko lumulungad na ng nakahiga ung anak ko na 16days old. Sinama ko din sya sa checkup sa pedia. Narinig naman nya na dapat may pause un pagdede tapos need iburp kaso hindi padin nya ginagawa at pinipilit un gusto nya. Mabait naman un mother in law ko, kaso may mga bagay na pinaninidigan nila un nakasanayan nila nun panahon nila. Anong pwede kong gawin?

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bawal po magpa dede ng nakahiga kay baka po masamid si baby. Instead yung milk papunta sa stomach ay baka sa lungs na po. Yun pa naman yung isa sa rason kung bakit nagkaka pneumonia ang mga bata. Paliwanag mo nalang po ng maayos kay MIL niyo po or yung husband mo sabihin yung napansin mo sa in law mo para siya na magsabi sa mama niya.

Magbasa pa