Need Advice

Mga momsh, share ko lang. Nahihiya kasi ako magsaway sa mother in law ko. Paulit ulit ko kasi sinasabi na kapag pinadedede si baby, mas magandang nakaupo. Kaso ang justification nya, lahat naman daw ng anak nya e pinapadede nya ng nakahiga. Naawa ako sa baby ko kapag sya nagpapadede, nakahiga tapos hindi na nabuburp. Minsan nakikita ko lumulungad na ng nakahiga ung anak ko na 16days old. Sinama ko din sya sa checkup sa pedia. Narinig naman nya na dapat may pause un pagdede tapos need iburp kaso hindi padin nya ginagawa at pinipilit un gusto nya. Mabait naman un mother in law ko, kaso may mga bagay na pinaninidigan nila un nakasanayan nila nun panahon nila. Anong pwede kong gawin?

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka mahiyang magsaway po kase para naman po yun sa ikakabuti ng anak mo po yun mahirap na po na magsisi sa huli mas mabuting maagap po sabihin mo lang po na iniiwas mo yung anak po mo sa aspiration pneuomonia possible na magkaganyan po ang baby nyo kapag pinagpatuloy na padedein ng nakahiga at hindi pinapaburp lalo na po kung nakikita nyo na nalungad ang baby. iba po kase talaga nung panahon nila noon. sinasabe nga din po sa akin ni mama ko na noon pinadede nya lang kame ng nakahiga pero kase nung panahon siguro nila ganun talaga hindi uso siguro ang advice ng doctor na ganun. kaso lang po kase may mga explanation na po kase eh bakit kailangan sitting position. ang daluyan ng hangin at daluyan ng pagkaen magkatabi lang po sila kaya po maling pasok lang po ng gatas sa daluyan ng hangin maaaring maaspirate ang bata. Or kung gusto mo po na ikaw na lang po magpadede sa anak mo po aagapan mo po si baby na nakadede bago po sya kunin ng mother in law mo po.

Magbasa pa