Need Advice

Mga momsh, share ko lang. Nahihiya kasi ako magsaway sa mother in law ko. Paulit ulit ko kasi sinasabi na kapag pinadedede si baby, mas magandang nakaupo. Kaso ang justification nya, lahat naman daw ng anak nya e pinapadede nya ng nakahiga. Naawa ako sa baby ko kapag sya nagpapadede, nakahiga tapos hindi na nabuburp. Minsan nakikita ko lumulungad na ng nakahiga ung anak ko na 16days old. Sinama ko din sya sa checkup sa pedia. Narinig naman nya na dapat may pause un pagdede tapos need iburp kaso hindi padin nya ginagawa at pinipilit un gusto nya. Mabait naman un mother in law ko, kaso may mga bagay na pinaninidigan nila un nakasanayan nila nun panahon nila. Anong pwede kong gawin?

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung pinapump mo sis itago mo nlng. Tapos idirect latch mo sya para lumakas lalo bm mo. Sabhin mo sa mil mo need mo makaipon kase kapag napasok kana baka magkulang. Mas malakas na kase dumede si lo mo non kapag napasok kana. Yun nlng gawin mo. Kawawa naman si baby. Baka pumunta yung milk sa lungs.

Mommy super delikado na hindi napapaburp si baby after magdede. Lalo na kung nakahiga lang, ang tendency kasi nyan maiipon sa lungs yung water. Maigi ng maagapan kaysa magregret. Anyway, siguro if kausapin mo ng maayos yung biyenan mo makikinig sya. Saka make sure na kasama ang asawa mo.

VIP Member

If breastmilk sya mamsh wag na siguro ilagay sa feeding bottle. Derecho na sa boob mo para ikaw na magpadede. Hirap ng ganyan eh. Or kausapin mo asawa mo na sya ang magsabi sa nanay nya. Pero I'm sure magmamagaling sila kasi nga sila daw ang matanda. Hahaha

Delikado yan baka mapunta sa lungs nya ung gatas kapag hnd sya nakaka burp..kung dedede sya ng nakahiga mejo elivated ung unan pra hnd sya malunod sa gatas.tska mas maige na ikaw na lang ang magpadede.kausapin mo rn asawa mo na kausapin nya nanay nya.

Mhirap tlga na may mother-inlaw na gnyan lalo na pagdting sa pagaalaga ng baby! Ako buti biyenan ko eh yung anak nya na hipag ko eh nurse kya wla nging prob. pero yung mama ko ang may sabi na ganun nga kami nga daw nkhiga dumedede eh

Ikaw magbantay ng anak mo. Ikaw magpadede. Mas mabuti dn kung bumukod kayo para walang nakikialam sayo. Sa ngayon tiisin mo muna pagiging pakialamera ng mil mo, nakikitira kayo sa kanila eh talagang pakikialaman lahat ng kilos mo nyan.

2y ago

pero sana habang nakikisama ang manugang ng maayos matuto rin sana makinig at sumunod sa rules natin para sa mga anak natin ang MIL natin. kasi pag nagkasakit at bata hindi naman sila ang mamomoblema. tapos tayo pa sasabihan na pabaya.

Ganyang ganyan din po ako momshie, in a way na ipipilit talaga ni MIL yung gusto nya. Pero the best thing you can do is to not tolerate that. Wag na wag mong hahayaan na didiktahan ka nila sa anak mo. Your child your rules.

Ikaw lang dapat masunod dian dahil ikaw ang ina, lalo kung maling mali naman yung way ng byenan mo. Daanin mo nalang in a nice ways, o kaya gawan mo paraan na pag magpapadede ka eh dapat ikaw lang lagi gumawa.

VIP Member

Basta padedehin nyo lang ng elevated. Kahit anong sabihin, wag nyo na lang po sundin. Mapilit takaga yang mga ganyan kahit anong explain. Ipakita mo lang na ikaw lang ang magdedesisyon sa anak mo

Naku mahirap yan pero at the end of the day, ikaw ang ina ng bata. You know what's best for your baby, kailangan mo manindigan. Kesa magkasisihan pa sa huli 😊