Need Advice

Mga momsh, share ko lang. Nahihiya kasi ako magsaway sa mother in law ko. Paulit ulit ko kasi sinasabi na kapag pinadedede si baby, mas magandang nakaupo. Kaso ang justification nya, lahat naman daw ng anak nya e pinapadede nya ng nakahiga. Naawa ako sa baby ko kapag sya nagpapadede, nakahiga tapos hindi na nabuburp. Minsan nakikita ko lumulungad na ng nakahiga ung anak ko na 16days old. Sinama ko din sya sa checkup sa pedia. Narinig naman nya na dapat may pause un pagdede tapos need iburp kaso hindi padin nya ginagawa at pinipilit un gusto nya. Mabait naman un mother in law ko, kaso may mga bagay na pinaninidigan nila un nakasanayan nila nun panahon nila. Anong pwede kong gawin?

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas mangibabaw dapat un concern mo kay baby kesa hiya kay mil. 9 months ka naghirap dalhin yan tapos sya gaganyanin nya sinabi na nga delikado. Nasaktuhan lang cgro na wala masama nangyari sa mga anak nya e pano kung masaktuhan din si baby na may mangyari sakanya? Edi iyak ka. Pagdating sa anak mo ikaw masunod lalo alam mo ikaw ang tama. Wag mo isipin nahihiya ka at mabait mil mo kung kapalit e ikakapagamak ni baby

Magbasa pa