Tanong about in law

Tanong lang po mga momshie kung anong gagawin or sasabihin niyo kapag narinig niyo ung father in law nyo nanghihingi sa asawa mo ng pambili ng alak? Ilang taon na kasi syang walang work umasa na sya lagi sa mother in law ko saka sa asawa ko..tapos minsan nanghihingi pa un pambili ng load sa asawa ko saka pang games nya (ung nilalaro nya sa phone) kung kayo po manghingi ung in law nyo ng pambili ng bisyo nya sa asawa mo tapos ikaw buntis ka ano gagawin mo? #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan tatay ko, sakin nanghihingi pero pera ng Asawa ko yung binibigay ko kasi wala naman po ako work. Sinasabihan ko Tatay ko na, wala kaming pera. Titigil naman siya. In your case, kausapin nyo po si Mister, na wag maadict sa mga bisyo niya, kung sa tingin nyo naman kaya pa mag trabaho, alukin ng trabaho, hanapan nyo ng trabaho. Baka kaya nag bbisyo si Tatay kasi wala siya mapagkaabalahan po.

Magbasa pa

Kung fair naman yung pagbibigay wala naman problema kasi tatay niya naman yun pero wag lang kunsintihin kasi hindi habang buhay hihingi lang siya lagi sa anak niya dahil may pamilya din siyang binubuhay. Ilang taon na po ba father in law mo? Marami naman pwede pagkabuhayan kasi yang bisyo na yan mahirap na yan matanggal pag tumanda na.

Magbasa pa
3y ago

52 sis, ayun nga binigyan na nga ng mister ko ng 5k un para mkpg ayos ng requirements nya pg work noon wala nangyari..tapos may bunso pa sya nag aaral highschool wala dn sya gngnawa para mapag aral ung anak nya puro ung mother in law ko lahat kaya pag kapos sila sa asawa ko tlga sila humihingi, ang situation kasi sis eh, ayaw nila kami umalis sa puder nila kasi ung mister ko halos bumubuhay sa kanila nagbabayad ng lahat ng bills, eh ako gusto ko na umalis kasi pang diaper na sana ng anak ko pambibili pa ng yosi at kape ng tatay nya batugan naman wala din ginagawa sa bahay ako at mother in law ko dn nakilos..hayy may mga ganun pala tlgang tao no..