Sama Ng Loob

Hello mga momsh palabas lang ng sama ng loob sa KaLip ko. 1 Yr and 10months na kaming mag Bf/Gf buntis ako ngayon 8months na. Last Thursday yung ex ng bf ko nagchat sa kanya by the way may anak kase ang bf ko sa ex niya may 3 yrs na ang bata di naman sila araw araw or buwan buwan makausap ng ex niya pag gusto lang ng babae magchat magchchat pag di Hindi. Ganito kaya sila naghiwalay before kase itong babae may Asawa naman talaga may anak to sa una niyang bf nung nagkakalabuan sila ng una niyang bf before ng kalip ko. Naghanap siya ng iba at pinatos naman siya ng kalip ko. Then nagkaroon ng bunga naging sila ng bf ko kaso nagloko ulit si babae nahuli ng bf ko buntis ang babae nun nung nanlalaki siya. Iniwanan siya ng kalip ko dahil sa ginawa niya. Ngayon lumipas na ang 2 taon at kalahati yung bata gustong gusto makita ng kalip ko po nakita naman niya yung bata Last year sa Tanay Rizal. Kami na nun ng kalip ko at di pako buntis. Nalaman ko na nag motel sila ng babae nun pero kasama ang bata pero syempreeee nag sinungaling sakin ang KaLip ko. Kaya nagkaroon nako ng Trust issue sa kanya. Inayos namin Pinilit ko magtiwala sa kanya. Dumating sa point na nagaaway kami at sinabihan niya ako na mabuti pa nga si Margareth ganito ganyan which is yung ex niya yung margareth ayoko pa naman sa lahat yung compression. Pinaglapas ko nagsama kami ng June 2019 sila nagkita ng ex niya August 2019 kami nagsama sa iisang bahay. Then now itong KaLip ko parang gustong gusto makita yung bata na anak niya dun sa ex niya. Wala naman sakin yun okay naman ako dun anak niya yun eh. Hindi ko pinagilan pero alam mo mga momsh kung anong masakit sakin dun last time nagaway kami ang sabi niya sakin okay lang kahit mawala kapa at ang bata Wala akong pakielam sainyong dalawa. Sana nga dika na lang nag buntis eh sawang sawa na ako sayo alam mo ba yun. Wala ka naman kwenta pabigat. Yan yung mga salitang kinadurog ko. Everytime na nakakausap sila ng ex niya tungkol sa Bata ganyan siya magsalita sakin na parang umalis kana sa buhay ko Hindi ko kayo kailangan may anak naman na ako. Ang sakit sakit lang na Hindi pantay yung tingin niya Sa anak ko at sa anak niya sa iba. Nastress nako kakaisip pero kinikimkim ko lang sa loob ko gusto ko na sumabog momsh. Kase sobrang Hindi na kaya yung sama ng loob eh parang alam mo yun masaya naman kami maayos pag Walang message galing sa ex niya. Pero pag meron ganyan siya. Hindi na niya napapansin yung pagbubuntis ko eh. Kakaisip sa anak niya sa iba. Nangungulila daw siya ang rason niya lagi ang anak ko naman makakasama niya ang anak niyang isa Hindi. So, Porket makakasama niya ganon na dapat ang trato niya? Ni pag hawak sa Tiyan ko di niya magawa. ??â˜šī¸ Parang gusto kona kumawala sa sakit kase ayoko maging panakip butas lang yung anak ko. Parang Hindi ba deserve na bigyan ng atensyon? Pag sama sa check up Hindi magawa. Pero makipagkita sa ex niya para sa Bata go siya walang dalawang isip. Saan ako sa mga priority niya? Sana kasama kami sa pangarap niya. ???? Sinabihan ko na siya na ayoko na nakaramdam ulit ng ganitong pakiramdam dahil diko na alam baka diko na makayanan kaso parang Wala nalang sa kanya na nasasaktan na niya ako.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, sorry pero hindi niya kayo mahal ng baby mo 😭 Masakit mabasa 'yung mga sinabi mo, at masakit rin na sabihin ito sa'yo ng ibang tao na 'di mo kilala pero base sa kwento mo.. Hindi niya kayo mahal, sis 😓. We all make time for people and things that are important to us. We pay attention to what is important to us. Sana ma-realize mo na hindi mataas masyado ang value na ibinibigay ng LIP mo sa inyo mag-ina. Agree ako sa nagsabi na umalis ka na dyan, bumalik ka sa parents mo or magsarili ka. Basta kumawala ka na sa kanya sis habang hindi ka pa niya sinasaktan physically, kasi hindi malayong dyan kayo mauwi sooner or later. Sa una lang 'yan talagang mahirap at masakit, pero kung hindi niya nakikita ang halaga niyo sa ngayon, malamang hindi na niya makikita kahit kailan... Unless piliin niyang magbago. Kung makakauwi ka sa parents mo, go. Kung loving and supportive naman ang family mo, I'm sure susuportahan ka nila sa pagbubuntis, panganganak at pag aalaga mo sa baby mo. Ibuhos mo ang lahat ng pagmamahal, oras at atensyon mo sa baby mo kasi mas kailangan ka niya ngayon bilang ina at ama. Hanap ka ng source of income mo para hindi mo kailangan umasa o humingi sa tatay ng bata. Pakita mo sa kanyang kaya mo, kaya niyong mag ina! Pakita mong hindi niyo rin siya kailangan. Hindi naman sa pino-promote ko ang broken family, pero kung malinaw naman na wala siyang pagpapahalaga o pagmamahal sa inyo, at hindi naman na din makuha sa pakiusapan, mas maigi pang iwan niyo na siya. Dagdag stress din 'yan sa pagbubuntis mo, sis. Walang mabuting dala ang ganyang feelings para sa isang buntis 😔

Magbasa pa