Sama Ng Loob

Hello mga momsh palabas lang ng sama ng loob sa KaLip ko. 1 Yr and 10months na kaming mag Bf/Gf buntis ako ngayon 8months na. Last Thursday yung ex ng bf ko nagchat sa kanya by the way may anak kase ang bf ko sa ex niya may 3 yrs na ang bata di naman sila araw araw or buwan buwan makausap ng ex niya pag gusto lang ng babae magchat magchchat pag di Hindi. Ganito kaya sila naghiwalay before kase itong babae may Asawa naman talaga may anak to sa una niyang bf nung nagkakalabuan sila ng una niyang bf before ng kalip ko. Naghanap siya ng iba at pinatos naman siya ng kalip ko. Then nagkaroon ng bunga naging sila ng bf ko kaso nagloko ulit si babae nahuli ng bf ko buntis ang babae nun nung nanlalaki siya. Iniwanan siya ng kalip ko dahil sa ginawa niya. Ngayon lumipas na ang 2 taon at kalahati yung bata gustong gusto makita ng kalip ko po nakita naman niya yung bata Last year sa Tanay Rizal. Kami na nun ng kalip ko at di pako buntis. Nalaman ko na nag motel sila ng babae nun pero kasama ang bata pero syempreeee nag sinungaling sakin ang KaLip ko. Kaya nagkaroon nako ng Trust issue sa kanya. Inayos namin Pinilit ko magtiwala sa kanya. Dumating sa point na nagaaway kami at sinabihan niya ako na mabuti pa nga si Margareth ganito ganyan which is yung ex niya yung margareth ayoko pa naman sa lahat yung compression. Pinaglapas ko nagsama kami ng June 2019 sila nagkita ng ex niya August 2019 kami nagsama sa iisang bahay. Then now itong KaLip ko parang gustong gusto makita yung bata na anak niya dun sa ex niya. Wala naman sakin yun okay naman ako dun anak niya yun eh. Hindi ko pinagilan pero alam mo mga momsh kung anong masakit sakin dun last time nagaway kami ang sabi niya sakin okay lang kahit mawala kapa at ang bata Wala akong pakielam sainyong dalawa. Sana nga dika na lang nag buntis eh sawang sawa na ako sayo alam mo ba yun. Wala ka naman kwenta pabigat. Yan yung mga salitang kinadurog ko. Everytime na nakakausap sila ng ex niya tungkol sa Bata ganyan siya magsalita sakin na parang umalis kana sa buhay ko Hindi ko kayo kailangan may anak naman na ako. Ang sakit sakit lang na Hindi pantay yung tingin niya Sa anak ko at sa anak niya sa iba. Nastress nako kakaisip pero kinikimkim ko lang sa loob ko gusto ko na sumabog momsh. Kase sobrang Hindi na kaya yung sama ng loob eh parang alam mo yun masaya naman kami maayos pag Walang message galing sa ex niya. Pero pag meron ganyan siya. Hindi na niya napapansin yung pagbubuntis ko eh. Kakaisip sa anak niya sa iba. Nangungulila daw siya ang rason niya lagi ang anak ko naman makakasama niya ang anak niyang isa Hindi. So, Porket makakasama niya ganon na dapat ang trato niya? Ni pag hawak sa Tiyan ko di niya magawa. ??☹️ Parang gusto kona kumawala sa sakit kase ayoko maging panakip butas lang yung anak ko. Parang Hindi ba deserve na bigyan ng atensyon? Pag sama sa check up Hindi magawa. Pero makipagkita sa ex niya para sa Bata go siya walang dalawang isip. Saan ako sa mga priority niya? Sana kasama kami sa pangarap niya. ???? Sinabihan ko na siya na ayoko na nakaramdam ulit ng ganitong pakiramdam dahil diko na alam baka diko na makayanan kaso parang Wala nalang sa kanya na nasasaktan na niya ako.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, sorry pero hindi niya kayo mahal ng baby mo 😭 Masakit mabasa 'yung mga sinabi mo, at masakit rin na sabihin ito sa'yo ng ibang tao na 'di mo kilala pero base sa kwento mo.. Hindi niya kayo mahal, sis 😓. We all make time for people and things that are important to us. We pay attention to what is important to us. Sana ma-realize mo na hindi mataas masyado ang value na ibinibigay ng LIP mo sa inyo mag-ina. Agree ako sa nagsabi na umalis ka na dyan, bumalik ka sa parents mo or magsarili ka. Basta kumawala ka na sa kanya sis habang hindi ka pa niya sinasaktan physically, kasi hindi malayong dyan kayo mauwi sooner or later. Sa una lang 'yan talagang mahirap at masakit, pero kung hindi niya nakikita ang halaga niyo sa ngayon, malamang hindi na niya makikita kahit kailan... Unless piliin niyang magbago. Kung makakauwi ka sa parents mo, go. Kung loving and supportive naman ang family mo, I'm sure susuportahan ka nila sa pagbubuntis, panganganak at pag aalaga mo sa baby mo. Ibuhos mo ang lahat ng pagmamahal, oras at atensyon mo sa baby mo kasi mas kailangan ka niya ngayon bilang ina at ama. Hanap ka ng source of income mo para hindi mo kailangan umasa o humingi sa tatay ng bata. Pakita mo sa kanyang kaya mo, kaya niyong mag ina! Pakita mong hindi niyo rin siya kailangan. Hindi naman sa pino-promote ko ang broken family, pero kung malinaw naman na wala siyang pagpapahalaga o pagmamahal sa inyo, at hindi naman na din makuha sa pakiusapan, mas maigi pang iwan niyo na siya. Dagdag stress din 'yan sa pagbubuntis mo, sis. Walang mabuting dala ang ganyang feelings para sa isang buntis 😔

Magbasa pa
VIP Member

Una palang dapat narealize mo na na magiging toxic ang relationship nyo. Nung nalaman mo palang na may anak siya sa iba, at nung nalaman mo na nag motel sila ng ex nya. Kung tutuosin, ang tapang mo nga eeh. Pero in the negative way, parang nagiging martyr kana. Kung yung baby mo ang iniisip mo kaya hindi ka makawala jan sa toxic na relasyon na yan, girl mas lalong kailangan mong isipin ang baby mo ngayon. Wag mo sanang hayaan na maranasan ng anak mo ang makihati sa atensyon ng ama nya. Mas mabuti na maging single mom kesa ganyan. No woman deserves to be treated like how your LIP treats you. Know your worth sis. Hindi mo deserve ang nakikihati sa atensyon. UMALIS KANA DYAN. balik ka nalang sa parents mo. Dun mo alagaan ang anak mo. And i believe that when the timing is right, makakakilala ka ng lalaki na mamahalin ka at ang anak mo ng buo at walang kahati. Wag mong sayangin ang araw at oras mo na nagmamakaawa ng atensyon ng walang kwenta mong LIP.

Magbasa pa

share ko lang ganyan last relationship ko mag bf gf lang pero napaka sama ng ugali pinalagpas ko lahat ng kasalanan masasakit na salita .mga pananakit nya physically and emotionally dumating pa sa point na lumayas pako samin para sa kanya..pero lahat ng yun di pala worth it nakakapagod nakakasawa lalo pag paulit ulit yung ginagawa kaya i ask myself hangang kailan ako kakapit hangang dumating yung point na di ko na kinaya KUMAWALA nako ang hirap sa umpisa pero kakayanin mo unti unti para sasarili mo ☺️ And Here I am now nakatagpo ako ng asawa iniingatan ako inaalagaan ng maayos kasama pinag bubuntis ko im so happy and blessed ☺️ kaya sis eto payo ko let go wag mo alalahanin anak mo may pamilya ka alam ko tutulungan ka kesa mag stay ka sa LIp mo ganyan ang gingawa di mo deserve yan you deserve much better not now but soon FIGHT FIGHT FIGHT💪

Magbasa pa

Napaka degrading naman ng ginagawa and sinasabi nya sayo. Sobrang taas din ng pasensya mo and nasikmura mo talaga ang mga words nya. Please wag mo lamonin ang pride mo just because buntis ka sa anak nya. Hindi nakakamatay ang walang lalaki and walang ama. Mabubuhay ang anak mo kahit wala yang LIP mo. I just really hope you will have that courage to be empowered. You are a woman and you deserve better. Sana lang di mo paabotin na manganak kana and malagay mo pangalan ng lalaking yan sa birth cert ng anak mo. He doesn't have all the right to make you feel that way. I feel so bad for you. Please save yourself. Hindi pa kayo kasal. Leave na.

Magbasa pa

Iopen mo lahat ng nararamdaman mo sa LIP mo. Kung talagang mahal ka ng lalaking yan,magsosorry yan at magbabago yan. Pero kapag nagalit pa siya sayo at magsabi ng masasakit na salita,kahit na pinaliwanag mo ng malumanay at maayos,iwanan mo. Hindi mo kailangan ang ganyang lalaki. Mali na nga na ikumpara ka sa ex niya. Yun pang magsalita ng kung ano ano damay anak mo,na anak din naman niya. Maling mali iyon. Hindi mo kailangan ang stress lalo ngayon na buntis ka. Alagaan mo ang anak mo. Ikaw ang inaasahan ngayon ng anak mo sa loob ng sinapupunan mo. Kaya magpakatatag ka! Mas kailangan tayong mga nanay ng anak natin. Lalo na ngayon.

Magbasa pa

Sis mainam cguro hiwalayan mo nlng kesa mastress ka sknya..kawawa dn c baby! Kung gusto nya sa ex nya edi dun na sya.. wala syang kwenta dpt nga pinapahalagahan ka nya at baby nyo ndi ung sya pa nagbibigay ng sama ng loob sayo. Marerealize dn nya mali nya.. magpray ka sis iiyak mo lahat ke lord. Yung ex nyan kala mo di babae hinahayaan na makasira ng relasyon alam naman ata na buntis ka.. walang respeto sa kapwa babae ultimo sa sarili nya wala sya respeto. Sana naisip ng partner mo na maging patas se anak dn nya yan pinagbubuntis mo, kung d nya magawa pahalagahan kayo lalo na c baby mo sana mas mahalin mo c baby mo sis.

Magbasa pa
5y ago

Tumpak! Mahalin mo ang anak mo! 😊

Alam mo time is precious. Everything is limited. Kaya kung aq sau leave. Sabi nga sakin dati I have my choice " If it's worth it, stay. If it's not leave." Its painful when it comes to letting go. Pero wag ka namang tanga. Sorry naranasan ko kasi na ipagtabuyan ako. Kung you're no longer beneficial to him and to his family they'll throw you as if you're a trash. They're going to belittle you but don't or never ever allow your man to do that spherically. Pls maawa ka sa sarili mo. Napaka unproductive ng situation mo wid that bullshit!

Magbasa pa

Sis. 8 months kana ngaun ingat ka lagi at wag ka masyado mag iiyak. Wag mo iyakan ang ganyan klaseng ng lalaki. Kung kaya mo buhayin si baby, alis kana lang sa poder nya. Balik kana lang sa Family mo. Pra matulungan ka ulit bumangon. Hindi sya worth it para iyakan. Ang pagiging tatay kung kaya mo gawin un sa anak mo na nanay at tatay sa kanya. Ikaw na lang. Mahalin mo sarili at anak mo. At mag dasal palagi. Ready mo na yung mga dapat ready sa panganganak. 🙏♥️

Magbasa pa

I think ndi ka gnn kmhal ng partner mo sis. Ksi una sa lht kung mkpgsbe man sya sau ng msama dhl galit sya ok sna kng binago nya na nun cnbhn mo sya pero kng prang wla lng sya pakielam sa cnbe mo I think ndi ka gnn kahalaga sknya. Kng gusto nya don sa girl na prang kiti kiti lng at kng knino trip na lalaki gusto smhan eh di hyaan mo. Know ur worth sis. Gusto nya pla ng gnn klase babae eh. Hyaan mna sila mllamn at magsisisi din yan.

Magbasa pa

Sorry, pero sinabi na naman niya mismo na ayaw niya sayo at sa baby mo. Mashaket pero alis ka na, yaan mo na siya. Mas masakit yung feeling mo pinipilit mo nalang sarili mo o iniintay na ikaw naman bigyan ng atensyon. Tapos nakikita mo na excited siya pagdating dun sa ex niya at anak niya dun. Pamukha mo sakanya na di mo siya kailangan at ayaw niyo din sa kanya.

Magbasa pa