Sama Ng Loob

Hello mga momsh palabas lang ng sama ng loob sa KaLip ko. 1 Yr and 10months na kaming mag Bf/Gf buntis ako ngayon 8months na. Last Thursday yung ex ng bf ko nagchat sa kanya by the way may anak kase ang bf ko sa ex niya may 3 yrs na ang bata di naman sila araw araw or buwan buwan makausap ng ex niya pag gusto lang ng babae magchat magchchat pag di Hindi. Ganito kaya sila naghiwalay before kase itong babae may Asawa naman talaga may anak to sa una niyang bf nung nagkakalabuan sila ng una niyang bf before ng kalip ko. Naghanap siya ng iba at pinatos naman siya ng kalip ko. Then nagkaroon ng bunga naging sila ng bf ko kaso nagloko ulit si babae nahuli ng bf ko buntis ang babae nun nung nanlalaki siya. Iniwanan siya ng kalip ko dahil sa ginawa niya. Ngayon lumipas na ang 2 taon at kalahati yung bata gustong gusto makita ng kalip ko po nakita naman niya yung bata Last year sa Tanay Rizal. Kami na nun ng kalip ko at di pako buntis. Nalaman ko na nag motel sila ng babae nun pero kasama ang bata pero syempreeee nag sinungaling sakin ang KaLip ko. Kaya nagkaroon nako ng Trust issue sa kanya. Inayos namin Pinilit ko magtiwala sa kanya. Dumating sa point na nagaaway kami at sinabihan niya ako na mabuti pa nga si Margareth ganito ganyan which is yung ex niya yung margareth ayoko pa naman sa lahat yung compression. Pinaglapas ko nagsama kami ng June 2019 sila nagkita ng ex niya August 2019 kami nagsama sa iisang bahay. Then now itong KaLip ko parang gustong gusto makita yung bata na anak niya dun sa ex niya. Wala naman sakin yun okay naman ako dun anak niya yun eh. Hindi ko pinagilan pero alam mo mga momsh kung anong masakit sakin dun last time nagaway kami ang sabi niya sakin okay lang kahit mawala kapa at ang bata Wala akong pakielam sainyong dalawa. Sana nga dika na lang nag buntis eh sawang sawa na ako sayo alam mo ba yun. Wala ka naman kwenta pabigat. Yan yung mga salitang kinadurog ko. Everytime na nakakausap sila ng ex niya tungkol sa Bata ganyan siya magsalita sakin na parang umalis kana sa buhay ko Hindi ko kayo kailangan may anak naman na ako. Ang sakit sakit lang na Hindi pantay yung tingin niya Sa anak ko at sa anak niya sa iba. Nastress nako kakaisip pero kinikimkim ko lang sa loob ko gusto ko na sumabog momsh. Kase sobrang Hindi na kaya yung sama ng loob eh parang alam mo yun masaya naman kami maayos pag Walang message galing sa ex niya. Pero pag meron ganyan siya. Hindi na niya napapansin yung pagbubuntis ko eh. Kakaisip sa anak niya sa iba. Nangungulila daw siya ang rason niya lagi ang anak ko naman makakasama niya ang anak niyang isa Hindi. So, Porket makakasama niya ganon na dapat ang trato niya? Ni pag hawak sa Tiyan ko di niya magawa. ??☹️ Parang gusto kona kumawala sa sakit kase ayoko maging panakip butas lang yung anak ko. Parang Hindi ba deserve na bigyan ng atensyon? Pag sama sa check up Hindi magawa. Pero makipagkita sa ex niya para sa Bata go siya walang dalawang isip. Saan ako sa mga priority niya? Sana kasama kami sa pangarap niya. ???? Sinabihan ko na siya na ayoko na nakaramdam ulit ng ganitong pakiramdam dahil diko na alam baka diko na makayanan kaso parang Wala nalang sa kanya na nasasaktan na niya ako.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hiwalayan mo na mamsh..sorry to say this po..kaso base sa mga kwento mo parang ayaw sa inyo.. tapos pinagsasalitaan ka ng mga nakakasakit na salita knowing na preggy ka at sya Ang ama..haays kainis yang kalip mo mamsh..baka pag nanganak ka mas unahin pa nya ung isa..Kaya please love urself more, and ur baby..hugs for you mamsh..

Magbasa pa

Sa totoo lang Sis dapat mo pa nga kaawaan si Margareth. Imagine, yung mga anak niya puro panganay. Hindi naman sa judgemental pero grabe yung babae na yun. At sa boyfriend mo, kausapin mo siya kung ano ba talaga nararamdaman niya sa Margareth na yun. Kung mahal niya, let him go. Magsama silang dalawa. Baka mamaya, magka HIV/STD ka pa.

Magbasa pa

Naiyak naman ako. Ilang taon ka na ba? Bakit immature parin yang lip mo? 😭 Once makarinig ka ng ganun, leave. Di mo deserve yung ganyang klase ng tao. Uwi ka na sa parents mo, find an income, itaguyod mo magisa anak mo. Makakakita karin ng lalaking mamahalin ka and anak mo. Kupal yang lip mo.

VIP Member

sana makinig ka sa mga ngaadvice sau dito. hindi worth it yung lalaki sau lalo na sa baby mo. wala na need iexplain bkt, malinaw na malinaw. if hindi mo sya hiniwalayan, sya ang gagawa sau nun eventually.

Kung puro sama ng loob binibigay at ganyan trato nya sayo iwan ko na. D maganda sayo na na iistress. Panigurado may mga magulang ka naman sila magpapakalakas ng loob mo pabayaan mo na yang lalaki na yan.

VIP Member

Iwan mo n yan sis, kesa mstress ka. Buntis kp naman. Habang hndi p lumalabas baby mo uwi kna ln sa inyo plakihin mo nln un baby mo mg1 kesa ganyan my asawa ka nga pro hndi kyo pnapahalagahan.

Mukang hindi ka naman talaga mahal, kasi kung mahal ka hindi mo kailangang magmakaawa ng atensyon at pagmamahal. Know your worth and leave.

VIP Member

know your worth mamsh. sa kanya nanggaling ok lang mawala ka.. so pagbigyan mo na. di mo deserve yang gnyang klase ng lalake.

Mag decide ka ng matino pag iisip mo momsh ng malaman mo yung halaga nyo ng baby mo.

Iwan mo na yan sis kung kaya mo naman buhayin si baby magisa. Walang kwenta