Sis, sorry pero hindi niya kayo mahal ng baby mo 😭 Masakit mabasa 'yung mga sinabi mo, at masakit rin na sabihin ito sa'yo ng ibang tao na 'di mo kilala pero base sa kwento mo.. Hindi niya kayo mahal, sis 😓. We all make time for people and things that are important to us. We pay attention to what is important to us. Sana ma-realize mo na hindi mataas masyado ang value na ibinibigay ng LIP mo sa inyo mag-ina. Agree ako sa nagsabi na umalis ka na dyan, bumalik ka sa parents mo or magsarili ka. Basta kumawala ka na sa kanya sis habang hindi ka pa niya sinasaktan physically, kasi hindi malayong dyan kayo mauwi sooner or later. Sa una lang 'yan talagang mahirap at masakit, pero kung hindi niya nakikita ang halaga niyo sa ngayon, malamang hindi na niya makikita kahit kailan... Unless piliin niyang magbago.
Kung makakauwi ka sa parents mo, go. Kung loving and supportive naman ang family mo, I'm sure susuportahan ka nila sa pagbubuntis, panganganak at pag aalaga mo sa baby mo. Ibuhos mo ang lahat ng pagmamahal, oras at atensyon mo sa baby mo kasi mas kailangan ka niya ngayon bilang ina at ama. Hanap ka ng source of income mo para hindi mo kailangan umasa o humingi sa tatay ng bata. Pakita mo sa kanyang kaya mo, kaya niyong mag ina! Pakita mong hindi niyo rin siya kailangan. Hindi naman sa pino-promote ko ang broken family, pero kung malinaw naman na wala siyang pagpapahalaga o pagmamahal sa inyo, at hindi naman na din makuha sa pakiusapan, mas maigi pang iwan niyo na siya. Dagdag stress din 'yan sa pagbubuntis mo, sis. Walang mabuting dala ang ganyang feelings para sa isang buntis 😔
Jojie Rait