Your Opinion

Hi mga momsh! Medyo mahaba. Pasensya na. May anak na si hubby before we got married. He's 11 years old. He lives sa bahay ng inlaws ko (not with his mom) since ayaw din naman niya tumira either sa biological mom niya or samin. While me, hubby and our daughter stay in our own home. Etong si hubby nakasanayan na niya na before going home from work, dadaan muna sa bahay 'nila'(ng parents niya), he stays there for an hour or so everyday to do some chores and to see his son. Tama ba na minsan nakakaramdam ako ng inis? Na imbis na sa bahay namin siya dumerecho e nauuna pa siya umuwi dun? Forever na ba niya gagawin yun? To think na umuuwi din naman kami dun sa inlaws ko every weekends para maka bond din yung stepson ko and my inlaws. Nagiguilty ako kasi nakakaramdam ako ng inis. Should I talk to him or tatanggapin ko na lang? I need your insights. Thanks!

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh you have to accept the fact na forever na niyang gagawin yon. Tinanggap mo naman siya na may anak na siya before kayo magpakasal di ba? So kasama na dapat sa acceptance mo na mahahati at mahahati talaga yung time niya sainyo, buti nga 1hr lang eh, isipin mo the rest ng oras niya sa inyo na. Isipin mo din yung bata, wala na ngang nanay tapos every weekends lang makikita yung tatay. Kaya mo yan momsh, lakihan mo pa yung heart mo. You'll be able to love and accept the the boy wholeheartedly pag nagtagal. Wag ka na pastress momshie. It just proves na reaponsable siyang ama and di niya ko papabayaan kahit ano mangyari.

Magbasa pa