Gusto or ayaw pakasalan?
Mga momsh, I need your opinion lang. May baby na kasi kami 1 year old, nag sasama nadin naman kami sa iisang bahay. 6 years na din kami together pero bata pa naman kami 24 siya at 23 ako. Gusto ko na kase mag pakasal kamk kahit civil lang kase ako sure na ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay, pero sinasabi niya na sa susunod na lang next time na pag may pera, eh hindi naman malaki ang kailangan sa civil wedding diba? Kahit family lang okay na. Dati ko pa siya pinaparinggan about sa kasal na yan and binibring up ko din sakanya about yung sa kasal kaso ngayon nag sawa na ako , feel ko ako na lang ang nag pupush and may gusto. Pero one time bigla siya nag open up sa mga plano niya, gusto daw niya muna maging stable and work/business niya, pag nakaipon daw ng konti, pakakasalan niya na ako pero that was months ago, di na niya uli inopen up yun. Sa tingin niyo ba may balak talaga siya? Or puro salita lang? Gusto ko kase ng assurance kahit papano kahit mag propose man lang siya 😅
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Kmi ni hubby 9yrs na kmi nagsasama pero d pa kami kasal.. Nung una gusto nya pakasal kmi kaso aq ayoko pa, gusto q kc n magsama muna kmi sa iisang bubong at makilala nmin isat isa bago magpakasal, although 4yrs kmi mag bf/gf nun bago q nabuntis pero iba prin kc pag nasa isang bubong kayo db kaya ayoko muna nun pakasal.. Nung 5yrs kmi nun nagsasama nagbabalak n kmi pakasal pero lagi di natutuloy kc bigla nagkaka emergency nagagastos ung pera hanggng ngayon na 9yrs na, bumili na kmi ng ring kc nag pplan ulit kmi pakasal kaso di na naman natuloy dhil papakasal pala kapatid nya this year nagpaubaya muna kmi dhil sukob ehh.. Prang lagi di natutuloy😅😅, ung ring namin nakaabang nlng, balak nmin nextyr pero sana matuloy na at makapag ipon ulit.. Totoo po na mahirap tlga mag antay o maging sure kung gusto k nya pakasalan gnyn rin aq sa partner q kaso nagsawa nrin aq nun.. Wait mo lng xa momsh baka kc may plan xa mas the best o gusto k nya bgyan ng magndang kasal.. Trust mo lng partner mo.. Gnyan clang mga lalaki ung mga plan nila sknila lng tlga di nila sinasabi lahat kaya tayong babae feeling natin naglilihim o ayaw satin.. Trust ur partner momshie, kung mahal nyo naman isat isa and na pprovide naman nya lahat bilang ama at asawa sayo keri lng yan.. Antayin mo xa.. Kc mas mgnda na cla mag kusa kesa pilitin ntin o lagi iopen kc nappressure yan cla..
Magbasa pawait nyo po syang maging ready Kasi may mga lalaki na ganyn cguro gusto Ka Lang nya bigyan ng magandang kasal.🥰 samin namn ni hubby 7 years gf / bf 7 years kasal... 14 years old sya at 17 years old ako nung maging gf at bf . 25 years old Naman ako at 21 years old Naman sya nung kinasal Kami .nabuntis Kasi ako nun.pero hindi ko sya pinilit pakasalan ako Dahil bata pa sya at college sya nun.pero sya mismo ang may gusto na pakasalan ako sa civil..so ayun kinasal Kami ☺️ currently magiisang taon pa Lang syang nagkakawork at nakabukod na Kami. gusto nya na ikasal ulit Kami ung pinaghandaan talaga un Kasi talaga ang Plano..Pero dahil nauna si baby Kaya minadali ung kasal namin.. Kung handa Kasi ang lalaki na pakasalan Ka pakakasalan Ka talaga nya.kahit bata pa kayo..cguro iba Plano nya gusto nyang maging memorable ung kasal nyo Kaya gusto nya stable ung work or Okey na business nya at may Pera talaga Pag pinakasalan Ka nya..🥰❤️ kasal man o Hindi Kung Mahal Ka nya Hindi Ka nya iiwan o ipagpapalit .🥰
Magbasa paMinsan kasi mommy, yung lalaki is ayaw pa magpropose kasi parang di pa sila satisfied sa work and achievement nila sa buhay. Like sa work, kung stable ba work and gusto nya yung ginagawa nya. Yung estado ng buhay nila or current state affects their decision. Meron akong ex way back, niyaya ako magpakasal after 2 years kasi gusto na nya magka anak kaso 21 palang ako non so I said no. Fast forward, I got married nung 2020 within 1 year of relationship lang sa husband ko. Then nalaman ko na yung ex ko, may anak nadin na 8 years old sa current gf pero di padin kasal. Maganda estado ng work nun pero iba iba din kasi lalaki. Don't rush things. Ayaw ng lalaki ng parang nacocorner sila. Let's pray na if sya talaga yung sayo, Lord will make it happen.
Magbasa pawag nyo po sya kulitin o paulit ulitin..gnyan kame ng bf ko before...7 yrs kame bago ngpakasal... kapag inoopen ko sa kanya noon parang na prepressure sya tas naiinis kaya tinigilan ko na, nung tinigilan ko tyka sya nag kusa ng propose out of nowhere sa harap mg calaruega church sa tagaytay sa harap ng family nya 😂 nagulat ako 😂 gusto ko manuntok kase ayoko ng ginganon 😂 civil wedding lang ang gusto ko noon pero church wedding ang ibinigay nya... bata pa naman kayo e...kme 30 yrs old na ngpakasal... ang sbe nya kaya sya ng decide na pakasalan ako kase nakaipon na sya.. ayaw naman daw nya ng kasal agad tas nganga after... mrami pa kaseng pwedeng i prio bukod sa kasal..
Magbasa pasabihin mo sakanya directly ang nararamdaman re pagpapakasal. mas maganda kasi na maipaliwanag mo or atleast masabi mo sakanya yung nararamdaman mo. Importante ang assurance lalo saating mga babae, ok lang makulitan sya kasi kung talagang mahal ka nya maiintindihan nya ang nararamdaman mo pero syempre balansehin mo din yung feelings nya pag sinabi nya na ipon muna sya pang pakasal then tanungin mo kung kelan ba balak nya or my timeline ba sya baka kasi umabot na ng 10yrs nag iipon parin sya. Feed mo din sya ng ideas re civil wedding, like ilan ba magagastos, saan murang réception, ilang bisita lang para afford lang yung event ganun para atleast meron syang mabi-build na plano. 😊
Magbasa pasame situation mamsh. lagi ko din sinasabi sa kanya kung kailan niya ba balak pakasalan ako tas sagot niya lang lagi sakin gusto niya muna kasi maayos yung bahay namin, kumbaga gusto niya stable muna kami sa life tsaka niya ko papakasalan. may 1 yr old din kaming baby. may 2 yrs na old na siya this yr. tinigilan ko na lang din pagtatanong ko sa kanya. alam ko naman may balak siya. may mga top priorities lang siguro siya na dapat unahin kesa sa kasal and i understand that naman. pero kasi since dito kami sa lola ko nakatira, lagi rin sinasabi sakin na magpakasal na kami para magkaroon daw ng basbas pagsasama namin. si hubby lang din naman hinihintay ko bahala na 😅
Magbasa paI agree po sa mga momshies na nagcomment dito. Huwag ipilit, huwag pangunahan. Baka ayaw pa talaga o may belief siya regarding sa pagpapakasal. Ako nga babae, ayaw ko magpakasal e hahaha kasi para sa akin papel lang iyon. E nagkaanak kami, inisip ko anak ko. Yung hassle din ng pag-travel abroad (claiming it) na hindi kasal, kailangan pa ng mga docs from DSWD etc para lang masabi na hindi ko tinatakas anak ko sa tatay lol So in the end, nag civil wedding kami. php 10k ginastos namin, napamahal lang sa pakain sa immediate family namin sa Tong Yang (Php 8k). TBH, walang difference sa kasal at hindi sa amin. Paper lang talaga siya. Hehehe
Magbasa paPeace of advice momshi.. Ayaw po ng mga lalaki o partner natin na kinukulit sila o pinangungunahan sila. Dati din akong ganyan sa partner ko, lagi ko siyang tinatanong kung kelan kami papakasal o may balak pa ba siyang pakasalan ako. Then sinabi niya sakin wag akong magmadali, darating at darating daw kami sa stage na yun. now 13 yrs na kami we have 1 child and siya na ngayon ang nagtatanong sakin kung panong plano pag nagpakasal na kami. Kagaya nga ng sabi mo gusto muna niyang maging stable sa work/business niya. Malay mo he's planniny big pala para sa kasal niyo, diba? 🥰
Magbasa paSame sis,8 yrs na kami ng partner ko at may anak na kami na pa 6 yrs old at 32 weeks preggy ako now sa bunso namin Nag aask din ako dati sa partner ko kung kelan nya ko papakasalanan, o kung mau balak pa sya para may assurance din ako since noon ay iisa palang ang anak namin, pero sabi nga nya wala pa budget.. sabi ko nga patanda na kami pero single pa din ang status ko.. pero nairealize ko na no need ko na ulit ulitin sakanya un kasi kung gusto nya ko pakasalanan sya bahala kung ayaw nya d bahala rin sya.. d na ko nag oopen sakanya inaantay ko nlng plano nya para sakin.
Magbasa paPag usapan niyo yan at dapat may iisa kayong goal.. Tapatin mo siya ano ba talaga plano niya? As long as magkasama kayo at kita mo naman na mahal ka niya pwede muna set aside ang kasal. After all may pamilya naman na kayo nabuo at nauna na magkababy.. Malay mo hindi lang civil wedding hangad ni partner mo baka church wedding ang gusto niya para senyo.. Kami ng hubby ko 5years kami magjowa bago nagpakasal.. Gusto ko kahit civil wedding pero gusto niya mag church. At nag iipon siya non. 26yo kami non pareho nung nagpakasal kami.
Magbasa pa