Gusto or ayaw pakasalan?

Mga momsh, I need your opinion lang. May baby na kasi kami 1 year old, nag sasama nadin naman kami sa iisang bahay. 6 years na din kami together pero bata pa naman kami 24 siya at 23 ako. Gusto ko na kase mag pakasal kamk kahit civil lang kase ako sure na ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay, pero sinasabi niya na sa susunod na lang next time na pag may pera, eh hindi naman malaki ang kailangan sa civil wedding diba? Kahit family lang okay na. Dati ko pa siya pinaparinggan about sa kasal na yan and binibring up ko din sakanya about yung sa kasal kaso ngayon nag sawa na ako , feel ko ako na lang ang nag pupush and may gusto. Pero one time bigla siya nag open up sa mga plano niya, gusto daw niya muna maging stable and work/business niya, pag nakaipon daw ng konti, pakakasalan niya na ako pero that was months ago, di na niya uli inopen up yun. Sa tingin niyo ba may balak talaga siya? Or puro salita lang? Gusto ko kase ng assurance kahit papano kahit mag propose man lang siya 😅

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Minsan kasi mommy, yung lalaki is ayaw pa magpropose kasi parang di pa sila satisfied sa work and achievement nila sa buhay. Like sa work, kung stable ba work and gusto nya yung ginagawa nya. Yung estado ng buhay nila or current state affects their decision. Meron akong ex way back, niyaya ako magpakasal after 2 years kasi gusto na nya magka anak kaso 21 palang ako non so I said no. Fast forward, I got married nung 2020 within 1 year of relationship lang sa husband ko. Then nalaman ko na yung ex ko, may anak nadin na 8 years old sa current gf pero di padin kasal. Maganda estado ng work nun pero iba iba din kasi lalaki. Don't rush things. Ayaw ng lalaki ng parang nacocorner sila. Let's pray na if sya talaga yung sayo, Lord will make it happen.

Magbasa pa