Gusto or ayaw pakasalan?

Mga momsh, I need your opinion lang. May baby na kasi kami 1 year old, nag sasama nadin naman kami sa iisang bahay. 6 years na din kami together pero bata pa naman kami 24 siya at 23 ako. Gusto ko na kase mag pakasal kamk kahit civil lang kase ako sure na ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay, pero sinasabi niya na sa susunod na lang next time na pag may pera, eh hindi naman malaki ang kailangan sa civil wedding diba? Kahit family lang okay na. Dati ko pa siya pinaparinggan about sa kasal na yan and binibring up ko din sakanya about yung sa kasal kaso ngayon nag sawa na ako , feel ko ako na lang ang nag pupush and may gusto. Pero one time bigla siya nag open up sa mga plano niya, gusto daw niya muna maging stable and work/business niya, pag nakaipon daw ng konti, pakakasalan niya na ako pero that was months ago, di na niya uli inopen up yun. Sa tingin niyo ba may balak talaga siya? Or puro salita lang? Gusto ko kase ng assurance kahit papano kahit mag propose man lang siya 😅

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sabihin mo sakanya directly ang nararamdaman re pagpapakasal. mas maganda kasi na maipaliwanag mo or atleast masabi mo sakanya yung nararamdaman mo. Importante ang assurance lalo saating mga babae, ok lang makulitan sya kasi kung talagang mahal ka nya maiintindihan nya ang nararamdaman mo pero syempre balansehin mo din yung feelings nya pag sinabi nya na ipon muna sya pang pakasal then tanungin mo kung kelan ba balak nya or my timeline ba sya baka kasi umabot na ng 10yrs nag iipon parin sya. Feed mo din sya ng ideas re civil wedding, like ilan ba magagastos, saan murang réception, ilang bisita lang para afford lang yung event ganun para atleast meron syang mabi-build na plano. 😊

Magbasa pa