Gusto or ayaw pakasalan?

Mga momsh, I need your opinion lang. May baby na kasi kami 1 year old, nag sasama nadin naman kami sa iisang bahay. 6 years na din kami together pero bata pa naman kami 24 siya at 23 ako. Gusto ko na kase mag pakasal kamk kahit civil lang kase ako sure na ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay, pero sinasabi niya na sa susunod na lang next time na pag may pera, eh hindi naman malaki ang kailangan sa civil wedding diba? Kahit family lang okay na. Dati ko pa siya pinaparinggan about sa kasal na yan and binibring up ko din sakanya about yung sa kasal kaso ngayon nag sawa na ako , feel ko ako na lang ang nag pupush and may gusto. Pero one time bigla siya nag open up sa mga plano niya, gusto daw niya muna maging stable and work/business niya, pag nakaipon daw ng konti, pakakasalan niya na ako pero that was months ago, di na niya uli inopen up yun. Sa tingin niyo ba may balak talaga siya? Or puro salita lang? Gusto ko kase ng assurance kahit papano kahit mag propose man lang siya 😅

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I agree po sa mga momshies na nagcomment dito. Huwag ipilit, huwag pangunahan. Baka ayaw pa talaga o may belief siya regarding sa pagpapakasal. Ako nga babae, ayaw ko magpakasal e hahaha kasi para sa akin papel lang iyon. E nagkaanak kami, inisip ko anak ko. Yung hassle din ng pag-travel abroad (claiming it) na hindi kasal, kailangan pa ng mga docs from DSWD etc para lang masabi na hindi ko tinatakas anak ko sa tatay lol So in the end, nag civil wedding kami. php 10k ginastos namin, napamahal lang sa pakain sa immediate family namin sa Tong Yang (Php 8k). TBH, walang difference sa kasal at hindi sa amin. Paper lang talaga siya. Hehehe

Magbasa pa