Gusto or ayaw pakasalan?

Mga momsh, I need your opinion lang. May baby na kasi kami 1 year old, nag sasama nadin naman kami sa iisang bahay. 6 years na din kami together pero bata pa naman kami 24 siya at 23 ako. Gusto ko na kase mag pakasal kamk kahit civil lang kase ako sure na ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay, pero sinasabi niya na sa susunod na lang next time na pag may pera, eh hindi naman malaki ang kailangan sa civil wedding diba? Kahit family lang okay na. Dati ko pa siya pinaparinggan about sa kasal na yan and binibring up ko din sakanya about yung sa kasal kaso ngayon nag sawa na ako , feel ko ako na lang ang nag pupush and may gusto. Pero one time bigla siya nag open up sa mga plano niya, gusto daw niya muna maging stable and work/business niya, pag nakaipon daw ng konti, pakakasalan niya na ako pero that was months ago, di na niya uli inopen up yun. Sa tingin niyo ba may balak talaga siya? Or puro salita lang? Gusto ko kase ng assurance kahit papano kahit mag propose man lang siya ๐Ÿ˜…

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kmi ni hubby 9yrs na kmi nagsasama pero d pa kami kasal.. Nung una gusto nya pakasal kmi kaso aq ayoko pa, gusto q kc n magsama muna kmi sa iisang bubong at makilala nmin isat isa bago magpakasal, although 4yrs kmi mag bf/gf nun bago q nabuntis pero iba prin kc pag nasa isang bubong kayo db kaya ayoko muna nun pakasal.. Nung 5yrs kmi nun nagsasama nagbabalak n kmi pakasal pero lagi di natutuloy kc bigla nagkaka emergency nagagastos ung pera hanggng ngayon na 9yrs na, bumili na kmi ng ring kc nag pplan ulit kmi pakasal kaso di na naman natuloy dhil papakasal pala kapatid nya this year nagpaubaya muna kmi dhil sukob ehh.. Prang lagi di natutuloy๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…, ung ring namin nakaabang nlng, balak nmin nextyr pero sana matuloy na at makapag ipon ulit.. Totoo po na mahirap tlga mag antay o maging sure kung gusto k nya pakasalan gnyn rin aq sa partner q kaso nagsawa nrin aq nun.. Wait mo lng xa momsh baka kc may plan xa mas the best o gusto k nya bgyan ng magndang kasal.. Trust mo lng partner mo.. Gnyan clang mga lalaki ung mga plan nila sknila lng tlga di nila sinasabi lahat kaya tayong babae feeling natin naglilihim o ayaw satin.. Trust ur partner momshie, kung mahal nyo naman isat isa and na pprovide naman nya lahat bilang ama at asawa sayo keri lng yan.. Antayin mo xa.. Kc mas mgnda na cla mag kusa kesa pilitin ntin o lagi iopen kc nappressure yan cla..

Magbasa pa