Gusto or ayaw pakasalan?

Mga momsh, I need your opinion lang. May baby na kasi kami 1 year old, nag sasama nadin naman kami sa iisang bahay. 6 years na din kami together pero bata pa naman kami 24 siya at 23 ako. Gusto ko na kase mag pakasal kamk kahit civil lang kase ako sure na ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay, pero sinasabi niya na sa susunod na lang next time na pag may pera, eh hindi naman malaki ang kailangan sa civil wedding diba? Kahit family lang okay na. Dati ko pa siya pinaparinggan about sa kasal na yan and binibring up ko din sakanya about yung sa kasal kaso ngayon nag sawa na ako , feel ko ako na lang ang nag pupush and may gusto. Pero one time bigla siya nag open up sa mga plano niya, gusto daw niya muna maging stable and work/business niya, pag nakaipon daw ng konti, pakakasalan niya na ako pero that was months ago, di na niya uli inopen up yun. Sa tingin niyo ba may balak talaga siya? Or puro salita lang? Gusto ko kase ng assurance kahit papano kahit mag propose man lang siya 😅

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag usapan niyo yan at dapat may iisa kayong goal.. Tapatin mo siya ano ba talaga plano niya? As long as magkasama kayo at kita mo naman na mahal ka niya pwede muna set aside ang kasal. After all may pamilya naman na kayo nabuo at nauna na magkababy.. Malay mo hindi lang civil wedding hangad ni partner mo baka church wedding ang gusto niya para senyo.. Kami ng hubby ko 5years kami magjowa bago nagpakasal.. Gusto ko kahit civil wedding pero gusto niya mag church. At nag iipon siya non. 26yo kami non pareho nung nagpakasal kami.

Magbasa pa