Gusto or ayaw pakasalan?

Mga momsh, I need your opinion lang. May baby na kasi kami 1 year old, nag sasama nadin naman kami sa iisang bahay. 6 years na din kami together pero bata pa naman kami 24 siya at 23 ako. Gusto ko na kase mag pakasal kamk kahit civil lang kase ako sure na ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay, pero sinasabi niya na sa susunod na lang next time na pag may pera, eh hindi naman malaki ang kailangan sa civil wedding diba? Kahit family lang okay na. Dati ko pa siya pinaparinggan about sa kasal na yan and binibring up ko din sakanya about yung sa kasal kaso ngayon nag sawa na ako , feel ko ako na lang ang nag pupush and may gusto. Pero one time bigla siya nag open up sa mga plano niya, gusto daw niya muna maging stable and work/business niya, pag nakaipon daw ng konti, pakakasalan niya na ako pero that was months ago, di na niya uli inopen up yun. Sa tingin niyo ba may balak talaga siya? Or puro salita lang? Gusto ko kase ng assurance kahit papano kahit mag propose man lang siya 😅

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same situation mamsh. lagi ko din sinasabi sa kanya kung kailan niya ba balak pakasalan ako tas sagot niya lang lagi sakin gusto niya muna kasi maayos yung bahay namin, kumbaga gusto niya stable muna kami sa life tsaka niya ko papakasalan. may 1 yr old din kaming baby. may 2 yrs na old na siya this yr. tinigilan ko na lang din pagtatanong ko sa kanya. alam ko naman may balak siya. may mga top priorities lang siguro siya na dapat unahin kesa sa kasal and i understand that naman. pero kasi since dito kami sa lola ko nakatira, lagi rin sinasabi sakin na magpakasal na kami para magkaroon daw ng basbas pagsasama namin. si hubby lang din naman hinihintay ko bahala na 😅

Magbasa pa