Open up kay hubby. (Long post ahead)
Hello mga momsh. Gusto ko lang kasi sana mag labas ng hinanakit. Kasi ang pamangkin ng asawa ko is pasaway. Kumbaga, hindi alam ang tama at mali. Na spoiled kasi ng magulang at magulang ng asawa ko. Simula kasi ng makita ko ang pamangkin nya na tina-try na buhatin ang 2 mos kong anak ay naiinis na ako sakanya. Imagine, 7 yo ang pamangkin niya, bubuhatin ang 2 mos old na baby na nananahimik sa crib? Ang pag hawak pa niya is sa bewang lang. Both of her hands sa bewang lang naka hawak. If hindi ko nakita yun, baka nabuhat na niya ang anak ko at naka laylay na ang ulo niya sa kung saan man. Dun nagsimula ang kahit anong gawin niya malapit sa anak ko or papasok pa lang siya ng kwarto is naiinis na ako at sinusungitan siya. Hindi na rin kami nagpapansinan ng nanay nung bata dahil sa pakikisama ko sa anak niya. Ngayon ay 6 mos na ang baby ko. Ang trip naman ngayon ng pamangkin ng asawa ko ay hindi niya hinahayaan ang anak ko nang hindi siya naka dikit. Tulad ng sa high chair. Gusto niya ang katawan niya ay naka dikit sa high chair. Panay pa siya sigaw. Ang anak ko ay nagugulat dahil kada mahuhulog ang kinakain ng anak ko ay sisigaw siya. Panay din sya hawak sa pagkain ng anak ko. Ni hindi man lang mag hugas ng kamay. Sa walker naman. Tinutulak niya ang walker habang naka sakay ang anak ko. Paano makakakilos ng kanya kung ganon ang ginagawa, kanina lang ay sinipa niya ang walker habang naka sakay ang anak ko. Paano kung naipit ang baby ko? Ang akin lang naman is yung safety ng anak ko. Nai-istress ang asawa ko sa akin at sa pamangkin niya dahil nga hindi maganda pakikitungo ko sa pamangkin niya. Naaawa din siya sa pamangkin niya dahil palaging walang kasama dahil wala palagi ang magulang. Dumadating yung oras na hindi niya alam ang gagawin dahil ang gusto ng pamangkin niya ay hindi ko gusto. Pag hindi kasi binigay ang gusto ng pamangkin niya, nag tatantrums siya. Sinubukan kong makisama ng maayos sa pamangkin niya, pero nung nasaktan ako ay ako pa daw ang mag sorry sakanya dahil tinulak ko daw sya. Which is kailan man, hindi ko siya sinaktan or tinulak. Kaya simula non. Hindi ko na sinubukan pang ayusin pakikisama ko sa bata. Hindi ko na lang siya pinapansin kahit kinakausap niya ako. Alam ko ang advice niyo is bumukod kami. Pero nahihirapan pa kami dahil pandemic at di pa pasok sa budget ang pag bukod. Pero ginagawan ko na ng paraan para makabukod kami. Nase-stress na rin kasi ako. Parang hindi kasi nila ma gets ang point ko para sa anak ko. Lalo na ang nanay ng pamangkin ng asawa ko. Ni hindi man lang niya pag sabihan or turuan ng tama o mali ang anak niya. Kahit mag sabi man lang ng please or sorry hindi niya maituro. #firstbaby #advicepls #1stimemom