napapalo anak nila dahil sa anak ko

share ko lang experience ko at nadinig ko kanina, inallow ko kasi 3 year old kong anak na makipaglaro sa pamangkin nya, bale apo ng mister ko sa pamangkin.. tipikal na mga bata may mga di pinagkakasunduan.. kaya lang tama ba sabihin nung lola nung bata na napapalo yung apo nya dahio sa anak ko? dahil lang gusto umuwi na nung anak ko pero umiiyak kalaro nya at gusto sumama sa kanya.. pinalo ng daddy nya yung bata ng stick na mahaba.. tapos pinauwi ng lola anak ko sabay sabi na 'huwag ka ng babalik dito napapalo apo ko dahil sayo'.. feeling ko kasi may foul doon kagustuhan ba ng anak ko na mapalo kalaro nya?#advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Iiwas mo na muna si baby mo dun mommy. Di nila kaya ihandle yung anak nila kaya sa palo napupunta yung way nila ng pagdidisiplina. Di din maganda na iisipin ng baby mo kasalanan nya yung pagpalo sa kalaro nya kaya hangga’t maaari kayo na lang po umiwas.

3y ago

kaya nga po simula nun di ko na siya pinapupunta dun.. kaso parang nagtatampo pa yung magulang nung bata kapag ayaw ko papuntahin dun yung anak ko.. ung anak ko kasi pag sinabihan ko nakikinig agad po

TapFluencer

ai grabe naman yang lola na yan bata lng yan sempre iiyak talaga yan kc uuwe na kalaro nia hindi naman kasalanan ng anak mu kung napalo apo nia ,kumbaga parang may pagka kunsintidor yan pag laki ng apo nia

3y ago

eh kaya nga po.. para di na din magkaroon ng malaking issue iniiwas ko na lang po anak ko