Spoiledbrat 7 yo

Hello po. Gusto ko lang po sana itanong kung paano po matuturuan ng magandang asal ang isang bata na hindi mo naman anak? Ang anak kasi ng kapatid ng asawa ko e lumaking spoiled. Naninigaw ng matatanda, insensitive, hindi alam kung nakakasakit, hindi mapag sabihan ng isa lang, hindi marunong kumatok muna bago mag bukas ng kwarto ng may kwarto. Hinayaan lang ng magulang ng asawa ko na ganun yung bata dahil pag pinapagalitan, nagagalit yung ina. Wala palagi ang ina at ama nung bata dahil nag hiwalay daw at may kanya kanyang trabaho dito lang sa pinas. Hindi na rin kami nagpapansinan ng ate ng asawa ko dahil na rin sa pag naiinis na ako sa anak niya, pinapaalis ko sa tabi ko o kwarto namin ng asawa ko. Naiinis ako dahil panay bukas ng pintuan ng kwarto namin, lalo na pag pinatutulog ko na ang anak ko, tapos kakababa ko lang sakanya sa kama, bigla bigla na lang nyang bubuksan ang pintuan ng walang pag iingat. Ang ending, nagigising yung pinapatulog ko.#advicepls #1stimemom #firstbaby

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa tingin ko hindi naman po siya spoiled brat. Pero sobrang pasaway lang talaga at walang manners dahil sa hindi naturuan. Don't take it personally, ganyang bata matagal mag mature, kaya insensitive yan, wala pang alam or hindi niya maiintinidhan yung paligid niya. Sa ganyang bata hindi uubra yung pagagalitan mo. Maganda mong gawin kuhain mo yung loob niya. Kausapin mo. Kaibiganin mo. Utuin mo. Pinsan ko kasing babae nung bata NAPAKA-Pasaway. AS IN! Hindi nagdadamit, lalabas hubot-hubad, nananakit - nanununtok. Tapos hinayaan lang ng uncle at aunty ko. Ang dami na kasi nilang anak, kaya busy sila mag hanap buhay, wala na silang time mag disiplina. That time siguro nasa early twenties ako, ang ginawa ko, habang inaambahan niya ako ng suntok, tinawag ko siya pinaupo, may binigay ata ako or pinahiram cp ko tapos kinausap ko. Bakit siya nanununtok? (Dapat hindi ka magexpect na may maisasagot sila sa kung bakit sila ganon mag behave, kasi hindi rin nila alam kung bakit?) Hindi ba siya natatakot sakin mas malaki ako sakaniya? Mas malaki yung kamao ko, pag gumanti ako masasaktan siya. Mga ganon. Yung boses ko nun malumanay lang at parang kumakausap talaga ng bata. Tapos ayun kinakaibigan ko siya tapos inu-uto, pero hindi ko siya tinatakot, kasi wala siyang kinatatakutan eh 😅🤣 Pabayaan ba naman ng magulang. Ayun sa loob ng bahay sakin lang siya friendly at maayos 🤣🤣🤣 Kuhain mo yung loob niya. Kausapin mo. Kaibiganin mo. Utuin mo. Sabihin mo "kaawaawaa naamaan sii beeybi hindii maakaa tuulog kasii nag make noise ka. 🥺 ooh? Tignan mo, gising na siya nag cry na siyaa. wag ka mag make noise, taapos dahan-dahan lang open ng door, haa? Para hindi mag cry si baby." Hopefully it'll work. It exhausting pero parang ganyan lang ang gagana sa ganyang bata na napabayaan.

Magbasa pa
VIP Member

Normal po sa bata yung ganyan mommy. Pasensya lang po talaga. Yung mga ganyang bata po naghahanap po ng pagmamahal at attention since sabi nyo nga lagi wala ang parents nya. What you can do po is sabihan nyo po ng mahinahon na dapat dahan dahan kase may baby baka magising. If papasok sa room kelangan kumatok.. turuan nyo mommy. Tapos iphrase nyo po pagnagagawa nya ng tama. Wala kase nagtuturo sa kanya kaya ganyan sya. Try nyo po itreat sya as anak nyo na din.. isipin nyo if anak nyo sya anong dapat nyo gawin? Iwasan din po naten sigawan ang bata kase gagayahin po nila. Iisipin nila na tama manigaw kaya uulit ulitin po.

Magbasa pa