Best week para mag file ng Leave sa work?

Hi mga mommys. Im on my 35th week na at medyo hirap na ko sa byahe pero kaya pa nmn. Work ko kasi is Alabang at taga Taguig ako. Gusto ko na sana mag early leave kahit hindi bayad kaso ngyon nasa bahay lang ako ng straight 2days nalulungkot lang ako at walang makausap. Nag pa bps ako kahapon at normal nmn lahat, medyo hirap lang din ako manghingi ng recommendation letter na pinapayagan na ko mag leave (required sa trabaho) sa OB gawa nga ng sa public ako nagpapa check up at by schedule lagi at gusto kasi nila n matadtad bago manganak kaya baka di rin ako bigyan. july 21 edd ko. Anu po sa opinyon nyo? Maaga pa po ba para mag leave or pwede na.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako hindi na pumasok since na emergency ako nung may 29. work from home ako july 12 edd. Pero nakakatakot nung na emergency ako, nag 90/60 ang BP ko at nag 94 pa fetal heart rate ni baby. First baby namin kaya nagdecide si hubby na wag ko nang irisk kahit wfh ako. nag advise din manager ko na magpahinga nalang ako. siguro factor din yung maselan ang pregnancy ko at naka graduate lang ako sa pampakapit nung pa 8 mos na yung pregnancy ko. advice lang, wag mong masyadong ipush at wag masyadong magtiwala sa kaya pa naman. hindi mo kasi sure kung si baby kaya din. mahirap magsisi sa huli. btw sa public din ako nagpacheck up at nakakuha naman ako ng medcert from my OB recommending early leave. wag mo nang intayin na ma emergency ka bago ka magdecide na magpahinga nalang while waiting sa pagdating ni baby. Sobrang nakakatakot.

Magbasa pa
2y ago

Totoo po. Tsaka sobrang nakakapraning lalo na natatadtad ako sa jeep at tricycle, hindi nmn pwede mag request sa driver na bagalan. Kaya pagbababa ako lagi kong nararamdaman na sumasakit puson ko. Work wise kaya ko pa, yung byahe yung hindi na. Thank you sa advice mi at hoping and praying for your baby's safe delivery. Goodluck satin mga ftm. Punta ako ulit ng ospital para kumuha ng recommendation letter

Ako mii Call Center Agent pero work at home, hindi tagtag sa biyahe, PERO tagtag lang sa gawaing bahay kasi ako lang lagi mag isa naiiwan sa araw. Nakikitira lang kami sa inlaws kaya gusto ko pagdating nila makintab na ang bahay 😁 33 weeks na pero wala parin pinagbago sa daily tasks ko same routine kinakaya pa naman. 🙏😇 tindahan, linis, laba , may pets pa kaya damang dama ko din ang pagod palagi sa gabi. Tapos nagmomotor pa kami ni hubby pag may pupuntahan. sa public din check up, EDD ko ranging July 26 - 29. Nagpaalam na ako sa HR na sa July 17 na ako magstart ng Leave. Ang manager ko naman sabi niya hanggat kaya ko pa at hindi pa lumalabas work work lang sayang daw kasi sahod magagamit ko din daw yun pag tambay na ako (MatLeave). iFile nalang daw pa yung tipong malapit na malapit na talaga lumabas si baby.

Magbasa pa

Hi mommy I'm on 36th week na July 12 edd ko July 10 file ko na leave. Napasok pa din aq sa work hindi ako masyadong naglalakad kasi sumasakit puson ko pag na-sobrahan kaya binigyan ako ni OB ng pamparelax ng matres. Ayaw ko din sa bahay eh naiinip ako lalo na pag mag isa medyo malayo travel mo from home to work pero halos 1 month pa bago edd mo. Advice ko lang if healthy naman kayo ni baby at kaya mo pa mag travel 1st week ng July ka sigruo mag leave if gusto mo ng rest at para maka prep ka din sa paglabas ni baby😊

Magbasa pa
2y ago

May mga nararamdaman din akong hindi maganda lalo na matagal naka upo sa trabaho, pag tatayo ko parang lahat ng bigat is nasa pwerta ko na. Sinabi ko nadin to sa OB at sabi nya normal lang daw. Wala din sya binigay na ibng gamot. Gusto ko pa pumasok sa totoo lang dahil sayang din ang sahod kaso nakakapraning lang talaga yung mga changes n nararamdaman pag malapit na sa due date lalo nat ftm ako kay di ko alam kung normal ba ung mga sakit sakit na nararamdaman ko. Btw ingat lagi mi sa byahe

EDD ko is July 17. Nakapag submit na ako ng leave starting July 1. As per may HR naman no need ng recommendation letter from hospital. Siguro depende yun sa company no? Akala ko rin kasi dati need nun kaya humingi ako sa hospital e OPD ako, sabi ng OB hindi ako bibigyan hanggat hindi pa nag lalabor. 😆 E nahihiya rin ako sa work ko panay absent. Kaya kinausap ko HR, try mo rin kausapin HR n'yo mi.

Magbasa pa

same din sa situation q mga meh, 34 weeks EED is 26 mga second week of july q balak mag leave , no work no pay pa naman private ksi pinapasukan q., kaka checkup q lang din sa OB q na IE din aq kanina close cervix din naman kaya okey lang na mag work pa . kasu nakakapagod talaga 😅 pero wala taung no choice need mag ipon ksi mahal manganak lalu na pag private hospital.

Magbasa pa

ako po nagleave ako 34weeks. July 3 po ang EDD ko. wala nmn po kaso kng magleave kna po sa work mo kasi from the day na nagstart kna po magleave un na po ung count ng 105 days leave mo. commute lng din po ako napasok sa work pero malapit lng din naman 1ride lng sya.kaya lng naninigas na kasi ang tiyan ko kaya nagdecide na magleave na.

Magbasa pa
2y ago

Iba po kasi samin mi. Sabi ni HR start lang daw ang 105 days pag lumabas na si baby kaya kailangan talaga ng recommendation letter galing sa OB na gusto ko na magpahinga dahil lalabas sya na medical leave at hindi maternity leave. Hanggang ngayon nagduduty parin ako. Kinakaya parin nmn kahit papano sa awa ng Diyos. Naninigas din ang tyan ko lagi sa byahe pero sbi ng OB normal lang daw. Pero para sakin syempre parang hindi normal. Pero wala ako magawa kasi hindi ako makakuha ng recommendation letter galing sa kanila

Case to case basis po, 33 weeks preggy ako tapos lagi kong sinasabi na kaya ko pa mag work on site not until nung monday dinugo ako, sobrang nipis na pala ng line ng cervix ko at kapag tinuloy ko pa mag work, possible na lumabas na si baby ng maaga

edd ko July 16 file ako Ng medical leave May 15 naka schedule ako Ng CS by the end of this month. pwede kana mag file if you want. Gusto ko Kase mag rest and focus sa health kaya maaga ko nag file Ng leave

same , ilang araw na akong absent sa work ko. magfafile na nga ako bukas kasi sabi ng nurse sa company dapat 1 month before ng due date makapasa na para maasikaso na daw edd ko is july 17

2y ago

Isa din to sa reason kung bat gusto ko ng mag leave. Nakakahiya kasi na panay absent at late ako. Nagmomotor kasi kami papasok at commute pauwi. Minsan sumasakit tyan ko sa byahe kaya humihinto muna kami nagpapahinga. Tapos madalas na umulan kaya aabsent na nmn. Nahihiya na ko sa manager ko kaya naiisip ko na na magleave na ngayon palng

same po tayo ng edd. nakaleave napo ako nung May25 pa po. mahirap pag nastress si baby. nawalan nko ng 1st baby , kaya ayko na maulet.